Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng KapahingahanHalimbawa

Finding Rest

ARAW 1 NG 5

Kaibiganin ang Pahinga

Magpahinga—para magrelaks, panandaling huminto, huminga, at maging palagay.

Ang pahinga ay isang regalo na napakadali nating ipagwalang-bahala. Pero ang buhay na walang pahinga ay hindi napapanatili. Ang pahinga ay nakakapag-panumbalik ng ating mga katawan, binibigyan tayo ng lakas na kailangan natin upang igalang ang Diyos at mahalin ang iba. Ang matutong magpahinga ay isang espiritwal na disiplina na tinutulungan kang masiyahan sa presensya ng Diyos at muling ayusin ang iyong mga prayoridad.  

Ang Diyos mismo ang nagpakita sa atin ng pagpapahinga mula pa sa simula. Pagkatapos na pagkatapos Niyang lalangin ang sansinukob-at lahat ng narito-binigyan Niya ang Kanyang sarili ng isang araw upang tingnan ang kabutihan ng lahat ng Kanyang natapos na gawa. 

Pagnilayan: Kailan ka huling nagdahan-dahan, itinigil lahat ng gumagambala, at nagrelaks? Huminto. Ipikit mo ang iyong mga mata, huminga nang malalim, at isipin mo ang ilang araw na nakaraan sa iyo. 

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Rest

Maraming mga pag-aaral ang nagsasabi sa atin na ang pahinga ay kritikal sa ating pisikal, mental at emosyonal na kalusugan. Lubhang mahalaga ang pahinga sa Diyos kung kaya ginawa pa Niya itong isa sa Kanyang mga Utos. Alam natin na kailangan nating magpahinga—bakit hindi tayo nagpapahinga? Sa simpleng 5-araw na Gabay na ito, titingnan natin ang bakit, kailan, saan, at paano tayo magpapahinga, maging ang kasama nino.

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay nilikha at nagmula sa YouVersion.