Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng KapahingahanHalimbawa

Finding Rest

ARAW 3 NG 5

Hanapin ang iyong Lugar para Ituon ang Pag-iisip

Transpormasyon—isang proseso ng malalim na pagbabago ng pagkatao, kondisyon o komposisyon.

Sa Mga Taga-Roma 12, hinihimok tayo ni Pablo na hayaan ang Diyos na baguhin tayo, hayaan ang Kanyang Espiritu na baguhin ang ating mga pag-iisip. Ang pagbabagong iyon ay isang tuluy-tuloy na proseso, isang gawaing intensyonal kung saan tinatanggal natin ang ating mga sarili mula sa mga araw-araw na abala at impluwensya sa ating paligid—gaya ng halimbawang ipinakita sa atin ni Jesus. 

Importanteng humanap ng isang lugar na tahimik kung saan muli nating maiiayon ang ating mga puso at isip sa kung ano ang ginagawa ng Diyos. Saan ka lubos na nakakapagtuon ng iyong isipan? Sa isang sulok ng iyong kusina habang may isang tasa ng kape? Tumatakbo sa labas habang nakikinig sa papuring musika? Humanap ka ng lugar kung saan mararamdalam mong malapit ka sa Diyos. Pagkatapos ay ugaliin mong pumunta sa lugar na iyon araw-araw upang muling ipokus ang iyong isip sa Kanya. 

Pagnilayan: Ngayong araw sa iyong tahimik na espasyo, gumugol ng 5-10 minuto para isipin ang mga bagay na maaring nakakabahala sa iyo. Sa bawat isang naiisip mo, ialay mo ito kay Jesus sa isang panalangin. (Kung makakatulong, isulat mo ang mga ito.) 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Rest

Maraming mga pag-aaral ang nagsasabi sa atin na ang pahinga ay kritikal sa ating pisikal, mental at emosyonal na kalusugan. Lubhang mahalaga ang pahinga sa Diyos kung kaya ginawa pa Niya itong isa sa Kanyang mga Utos. Alam natin na kailangan nating magpahinga—bakit hindi tayo nagpapahinga? Sa simpleng 5-araw na Gabay na ito, titingnan natin ang bakit, kailan, saan, at paano tayo magpapahinga, maging ang kasama nino.

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay nilikha at nagmula sa YouVersion.