Paghahanap ng KapahingahanHalimbawa
Ang Pahinga ay Regalo
Araw ng Pamamahinga—isang panahong ibinukod para sa pagpapahinga, karaniwang isang araw kada isang linggo.
Sa Lumang Tipan, inutusan ng Diyos ang Kanyang mga mamamayan na igalang ang Araw ng Pamamahinga, isang araw sa isang linggo na sila ay magpapahinga. Sa Bagong Tipan, nilinaw ni Jesus na inilaan ng Diyos ang Araw ng Pamamahinga higit bilang isang regalo sa halip na isang utos. Importante sa Diyos na tayo ay magpahinga.
Kadasang ipinaparamdam sa atin ng pagiging abala na mayroon tayong importanteng bagay na natatapos, pero maaaring hindi totoo ang pakiramdam na iyon. Madalas ginagamit natin ang mga gawain para gawin nating manhid ang ating sarili sa pangangailangan natin ng matalik na pakikipagkaibigan sa Diyos, ang Tagabigay ng bawat mabuti at perpektong regalo. Dapat intensyonal tayo sa paglalagay ng malusog na hangganan sa pagitan ng iba-ibang aspeto ng ating buhay—trabaho, pamilya, pahinga, at iba pa— nang sa gayon ay walang aspeto ang magsilbing idolo sa ating buhay.
Pagnilayan: Mayroon ka bang tiyak na oras na inilaan sa bawat linggo na hindi ka nagtratrabaho? Kung wala, ano kaya ang magiging hitsura kung magsimula kang gumawa ng espasyo sa iyong buhay para dito?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming mga pag-aaral ang nagsasabi sa atin na ang pahinga ay kritikal sa ating pisikal, mental at emosyonal na kalusugan. Lubhang mahalaga ang pahinga sa Diyos kung kaya ginawa pa Niya itong isa sa Kanyang mga Utos. Alam natin na kailangan nating magpahinga—bakit hindi tayo nagpapahinga? Sa simpleng 5-araw na Gabay na ito, titingnan natin ang bakit, kailan, saan, at paano tayo magpapahinga, maging ang kasama nino.
More