Pagnenegosyo nang Higit sa KaraniwanHalimbawa
Ang mga patay ay hindi gumagamit ng zipline
Kahapon, pinag-usapan natin ang hindi pagpako sa krus ng taong nabuhay na muli. Kung ipinamumuhay natin ang muling pagkabuhay...batid na ang Diyos ay para sa atin at ang Kanyang Espiritu ay nasa atin...tayo ay lumalakad nang may tiwalang katapangan. Ito ang buhay na hindi natin naranasan nang tayo ay natutupok ng kasalanan at kasamaan.
Ginugol ko ang mga taon sa isang simbahan na masusing nakatuon sa pagpapakumbaba. Hindi ang mabuting uri. Hindi kami nakaimpluwensiya ng maraming tao para kay Cristo. Subalit nang ako ay nagsimulang lumakad sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay, nagsimula kong tahakin ang daan ng pakikipagsapalaran! Higit akong naging mas masaya sa pagkakaroon ko ng bagong pamumuhay na ito. At ito ay kayang abutin ng kahit na sino sa atin na mayroong Espiritu na nananahan sa loob.
Nais kong magbahagi ng kuwento tungkol kay Mark. Si Mark ay nagtatarabaho sa isang kumpanya na pagmamay-ari ng isang Judio na ateista. Natutunan ni Mark ang tungkol sa paglakad ayon sa pamumuhay ng muling pagkabuhay, at nagsimula siyang manalangin para sa mga kasama niya sa trabaho.
Isang araw narinig niya ang may-ari na walang paniniwala na dumadaing dahil sa kanyang migraine. Naglakas loob si Mark at inialok ang kanyang panalangin para sa kanyang kagalingan. Dahil desperado, ang boss ay sumang-ayon. Si Mark ay nag-usal ng maikling panalangin at ang lalaki ay gumaling kaagad! Humanga ang boss, subalit ang kuwento ay hindi nagtatapos doon.
Pagkaraan ng maikling panahon, ang kumpanya ay umarkila ng isang pasilidad ng zipline sa isang kumperensiya ng industriya sa Las Vegas. Ito ay isang mahalagang pagkakataon para sa mga lider ng kumpanya na makipag-ugnayan sa kanilang mga kliyente. Sa kasamaang-palad, nang ang kaganapan ay handa nang mag-umpisa, dumating ang malakas na kulog. Ipinaalam ng operator ng zipline sa boss na isasara niya ang paggamit. Napakamapanganib na magpatakbo ng zipline kasabay ng pagdating ng bagyo.
Ang walang paniniwalang ateista, boss na Judio ay tutol dito. "Mark! Halika rito." Ang boss ay inutusan si Mark na manalangin na palihisin ang bagyo papalayo sa kanilang kaganapan sa zipline.
Ngayon hindi ko alam sa iyo, subalit, sa palagay ko ito ay panggigipit. Ang sakit ng ulo ay isang bagay. Subalit, ito ay isang malakas na bagyo. Ang Diyos ba ay darating para dito? May nakagawa na ba nito maliban kay Jesus?
Lalo pang tumindi ang panggigipit. Si Mark ay pumunta sa sulok upang i-text ang kanyang mga kaibigan at pamilya upang hilingin...hindi, upang magmakaawa sa kanila na manalangin. Oras na para ang Diyos ay kumilos! Habang siya ay nagtetext, naririnig niya ang tinig ng kanyang boss na nagmumula ilang metro ang layo. Tinipon niya sa paligid ang mga kliyente upang ipaliwanag kung paano ito mangyayari...
“Ngayon lang ay narinig natin na ang bagyo ay magpapasara sa zipline. Subalit ang ating katrabaho na si Mark ay mananalangin. At ang bagyo ay pupunta sa ibang direksyon at tayo ay gagamit muli ng zipline. Salamat sa inyong pasensya.”
Si Mark ay nanlupaypay. Sabalit sa oras na iyon, isang kaibigan ang sumagot sa text na nakita niya ang "pabilog na proteksyon" sa ibabaw ng zipline sa mata ng kanyang isipan. Nagkalakas-loob, si Mark ay muling bumalik sa lugar at nanalangin na ang bagyo ay magbago ng direksyon.
Ang bagyo ay patuloy na gumugulong papunta sa kanila. Subalit pagkatapos ay may kakaibang nangyari. Ang mga ulap ng bagyo ay tila nahati sa dalawa. Ang bagyo ay dumaan sa kaliwa at sa kanan. Ang bahagi ng zipline ay hindi nagkaroon ng isang patak ng ulan. Ang isang taong nakatayo sa malayo sa katunayan ay kumuha ng larawan ng pangyayari at ito ay parang may pabilog sa ibabaw ng zipline. Sa bahagi na hindi umulan.
Nakamit ng Diyos ang kaluwalhatian. Maraming mga tao ang naantig at ang kuwentong iyon ay malayo ang narating. At lumawak ang impluwenisya ni Mark sa mata ng kanyang CEO. Sino sa palagay mo ang tatawagin ng boss kung mayroon siyang mahirap na desisyon na gagawin?
Napansin mo ba na hindi kinailangan ni Mark na maging CEO upang magkaroon ng malawak na impluwensiya? Katulad ni Daniel, Jose, at Ester sa Lumang Tipan, hindi mo kailangang maging CEO upang gumanap sa isang mahalagang papel.
Ang impluwensiya ni Mark ay maaring may malaking epekto sa mga bagong produkto, patakaran ng korporasyon, at sa direksyon ng kumpanya. At katulad ng mga tauhan sa Lumang Tipan, maaaring si Mark ang unang tao na tatawagin ng boss sa sandali ng krisis.
Ikaw ba? Inilalagay mo ba ang iyong sarili upang makaimpluwensiya sa kultura? Nagtitiwala ka ba sa Diyos na gumawa na kasama mo upang dalhin ang Langit sa Lupa? Ang mundo ay humihiyaw para sa mga kalutasan sa lahat ng uring maliliit at malalaking problema. Ang malaking problema na kaakibat ng pandemya kamakailan ay nagpakita sa atin nito.
Ang Diyos ay naghihintay sa atin na kunin ang Kanyang payo at Kanyang pananaw upang mailagay natin ang kalutasan mula sa Langit sa lupa at ituro ang Kanyang mga daan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga solusyon sa problema ng mundo. Ang ipinakikita ni Jesus sa pagpapagaling ng mga katawan ay parehong kapangyarihan na makapagpapabago sa iyong negosyo..at komunidad...at ng mga bansa.
Ito ay simula pa lamang. Kung nais mo na sumali sa komunidad ng mga binigyang kapangyarihang mananampalataya na nagnanais na magnegosyo nang higit sa karaniwan, i-click ito LINK upang malaman ang higit pa. Magagawa natin ito nang magkasama!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ako ay naniwala sa isang kasinungalingan sa loob ng maraming taon. Ang kasinungalingang ito ay pinakapangkaraniwan sa grupo ng mga Cristiano. Ako ay naniwala sa isang sekular-sagrado na paghahati. At ito ang pumigil sa akin. Samahan mo ako na tuklasin kung paanong nais ng Diyos na tayo ay palakasin nang higit sa karaniwan upang dalhin ang Langit dito sa Lupa at magtagumpay sa negosyo at buhay. Marami tayong mga pagkakataon upang maimpluwensiyahan ang mundo nang higit sa karamihan sa mga "buong-panahong ministro," at ang gabay sa Bibliang ito ang magpapakita sa iyo kung paano!
More