Pagnenegosyo nang Higit sa KaraniwanHalimbawa
Isang Maling Paghahatian
Naniwala ako sa isang kasinungalingan sa mga unang 28 taon ng aking buhay Cristiano.
Ito ay isang kasinungalingan na napakapangkaraniwan sa grupo ng mga Cristiano, at kung ikaw ay isang negosyante, nahuhulaan ko na ikaw ay nakikibaka rin dito.
Ako ay naniwala sa isang sagrado-sekular na paghahati. At ito ay nagdulot sa akin na gumawa nang mababa sa aking kakayanan. Parehong sa negosyo at sa simbahan.
Hayaan mong ipaliwanag ko...
Nang ako ay naging tagasunod ni Cristo noong ako ay nasa huling taon sa kolehiyo, parang ako ay nagkaroon ng memo sa kaisipan na nagsasabi na ang lahat ng mga pinakamaka-Diyos na mananampalataya...yaong mga pinakaseryoso sa kanilang pananampalataya...ay pumasok sa buong-panahong bokasyonal na ministeryo. Tutal, ang mga tanyag na talambuhay, ang mga sermon, at ang mga pulpito ay puno ng mga tao na "isinuko ang lahat para kay Jesus." At wala sa kanila ang pumasok sa negosyo (o waring ganoon).
Kaya, nakaramdam ako ng pagiging mababa. At naisip ko na bitiwan ang aking programa sa MBA para pumasok sa kolehiyo ng Biblia. Nadama ko na kung ako ay mananatili sa pagnenegosyo, ako ay parating magiging segunda-klaseng Cristiano, na ang papel sa simbahan ay maupo sa komite ng pananalapi o punuin ang plato ng mga alay upang pondohan ang mga gumagawa ng tunay na gawain para sa Diyos. Yaong mga nasa buong-panahon na ministeryo.
Subalit hindi ko nakita na tinawag ako sa buong-panahon na ministeryo noong araw na ako ay naligtas. At ikaw ay gayundin.
Hindi ko rin napagtanto na ang negosyo ay hindi segunda-klase na pagkatawag. Ito sa kabuuan ay lehitimo kagaya rin kapag nasa pulpito.
Walang Paghahati
Walang paghahati sa pagitan ng sagrado at sekular. Lahat ay espirituwal. Ang kaharian ng Diyos ay umaabot sa bawat aspeto ng buhay, hindi lamang sa loob ng apat na sulok ng gusali ng simbahan. At tayo, bilang mga negosyante, ay kadalasang mayroong mas epektibo at malawak na pakikipag-ugnayan sa sanlibutan kaysa sa ginagawa ng karaniwang pastor. Dagdag ang mas maraming mga pagkakataon na ipakita ang pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos sa hindi inaasahang mga paraan.
Nangako Siya na makakasama natin at ang Kanyang Espiritu ang gagabay sa atin sa lahat ng katotohanan. Ang iyong negosyo ay kasama sa pangakong ito. Ito ay magandang balita, hindi ba?
Ang Diyos ay naghihintay sa atin na gamitin ang Kanyang payo at Kanyang pananaw upang mailapat natin ang mga kalutasan ng Langit sa Lupa at ituro ang Kanyang daan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalutasan sa mga problema ng mundo. Ang mundo ay wasak at naghahanap ng mga kasagutan (tingnan ang Mga Taga-Roma 8:19). Mayroon tayong makukuhang sagot...sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Umasa tayo na maging mga tagapagpabago, tagapaglikha, imbentor, at tagadisenyo ng mga solusyon sa mga sigaw ng sangkatauhan.
Ang ipinakita ni Jesus sa pagpapagaling ng mga katawan ay parehong kapangyarihan na makapagpapabago sa iyong negosyo...at komunidad...at ng mga bansa.
Tinalikuran mo na ba ang sekular-sagrado na paghahati? Ikaw ba ay nakikipag-ugnayan upang madala ang Langit sa Lupa na saklaw ng iyong negosyo at buhay ngayon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ako ay naniwala sa isang kasinungalingan sa loob ng maraming taon. Ang kasinungalingang ito ay pinakapangkaraniwan sa grupo ng mga Cristiano. Ako ay naniwala sa isang sekular-sagrado na paghahati. At ito ang pumigil sa akin. Samahan mo ako na tuklasin kung paanong nais ng Diyos na tayo ay palakasin nang higit sa karaniwan upang dalhin ang Langit dito sa Lupa at magtagumpay sa negosyo at buhay. Marami tayong mga pagkakataon upang maimpluwensiyahan ang mundo nang higit sa karamihan sa mga "buong-panahong ministro," at ang gabay sa Bibliang ito ang magpapakita sa iyo kung paano!
More