Pagnenegosyo nang Higit sa KaraniwanHalimbawa
Huwag ipako sa krus ang taong muling nabuhay
Habang tayo ay nagnenegosyo nang higit sa karaniwan, mahalaga na huwag nating subukang ipako sa krus ang taong muling nabuhay.
Sandali... ano?
Halos pitong beses sa mga Ebanghelyo, inutusan ni Jesus ang Kanyang mga taga-sunod na mamatay sa kanilang sarili. Iniisip ko na iyon ay nangangahulugan na tayo ay dapat mamatay sa ating makasarili at masamang hangarin upang unahin ang Kaharian at ang Hari.
Sa Mga Taga-Roma 6 hanggang 8, tinukoy ni Pablo ang pamumuhay sa muling pagkabuhay nang halos 40 beses. Ito ang ating pagkatawag...ang mamuhay sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Jesus sa buong buhay natin.
“Teka sandali,” may narinig ako na nagsabi. “Sinabi ni Juan Bautista na, ‘Kinakailangang siya ang maging dakila at ako nama'y maging mababa.’ Hindi ba dapat ito ang ating maging panalangin?”
Sa pangkalahatan, sa palagay ko ay hindi. Si Juan ang pinakadakilang propeta, ayon kay Jesus, ay kumatawan sa wakas ng panahon. Ang pagsasara ng Lumang Tipan. Ang wakas ng panahon ng Kautusan at ng mga Propeta. Si Juan at ang kanyang mensahe ay patapos na.
Ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ay maghahatid ng bagong panahon sa kasaysayan ng tao. Ang bagong uri ng nilikha ay papasok na sa eksena: Ang mga nilalang na may Diyos sa loob. Ganyan ka.
Kaya marahil ang iyong tuon ay kailangang baguhin. Sa halip na ituon sa kung ano ang papatayin sa loob, marahil panahon na upang tingnan kung ano ang nais ng Espiritu na mapakinabangan nang lubos sa iyo. (Ang pagtuon sa pagpatay sa kasalanan ay hindi naman nangyayari. Ang pagtuon sa lalo pang pagpapaalab ng damdamin para kay Jesus ay ang lunas sa kasalanan).
Ikaw at ako ay tinawag upang patayin ang pagkamakasarili. Subalit ang hindi pagpatay sa ninanais ng Espiritu ay pumupukaw sa atin. Ikaw ay ang panglabas, pisikal na kapahayagan ni Jesus na nabubuhay sa Lupa ngayon. Isinusuot ka ng Banal na Espiritu na parang isang gwantes.
Gagamitin ng Panginoon ang iyong mga kagustuhan, iyong ninanais, iyong alab, talento, pagkatao, at hitsura. Nalito ako dito noong mga nagdaang taon. Ang akala ko ay ang aking pagnanais na magtagumpay sa negosyo ay bahagi ng aking pagkamakasarili na nais kong patayin. “...ako ay dapat maging mababa.” Subalit ito marahil ay bahagi ng maling sekular-sagrado na paghahati. Ginatungan ng tinig ng kaaway.
Ang mga manananampalataya na puspos ng Espiritu ay nararapat na nangunguna sa bahagi ng negosyo, mga imbensyon, teknolohiya, moda, sining, at musika. Subalit hindi tayo makakarating doon kung tayo ay nagsisikap na patayin ang taong muling nabuhay.
At hindi tayo makakarating doon kung tayo ay naiinggit sa iba. Kung nauunawaan mo ang pagkatawag ng Diyos sa iyong buhay, ang alab ng Diyos sa iyo, at ang walang hanggang kakayahan na dalhin ang Langit sa Lupa sa pamamagitan mo, hindi mo nanaisin na maging sino pa man. Basahin ang pangungusap muli at pag-isipan ito.
Kaya ano ang naisin na inilagay sa iyo ng Diyos? Namatay ka ba sa mga pangarap na ninanais ni Jesus na muling mabuhay? At anong mga bagong pangarap ang ninais Niyang gawin mo ngayon? Idinadalangin ko na ikaw ay lumakad sa iyong ganap na tadhana at pagkatawag, namumuhay nang masagana at lubos. Kakamtin Niya ang kaluwalhatian, at ikaw ay magkakamit ng mainam na panahon sa iyong buhay!
Tandaan, hindi Siya lilimitahan ng anumang nais mong hilingin o isipin. (Mga Taga-Efeso 3:20-21)
Tungkol sa Gabay na ito
Ako ay naniwala sa isang kasinungalingan sa loob ng maraming taon. Ang kasinungalingang ito ay pinakapangkaraniwan sa grupo ng mga Cristiano. Ako ay naniwala sa isang sekular-sagrado na paghahati. At ito ang pumigil sa akin. Samahan mo ako na tuklasin kung paanong nais ng Diyos na tayo ay palakasin nang higit sa karaniwan upang dalhin ang Langit dito sa Lupa at magtagumpay sa negosyo at buhay. Marami tayong mga pagkakataon upang maimpluwensiyahan ang mundo nang higit sa karamihan sa mga "buong-panahong ministro," at ang gabay sa Bibliang ito ang magpapakita sa iyo kung paano!
More