Pagnenegosyo nang Higit sa KaraniwanHalimbawa
Nang Salakayin ng Langit ang Lupa
Narinig mo na ba kung ano ang nangyari sa Almolonga, Guatemala?
Kahapon, pinag-usapan natin kung ano ang ibig sabihin nang dalhin ng Diyos ang Langit sa Lupa sa pamamagitan ng ating mga negosyo. Ngayon, makikita natin kung ano ang hitsura sa baba
Ang Almolonga, Guatemala ay isang kakila-kilabot na lugar. Ang alkoholismo, ang okulto, ang pangkukulam ay laganap. Ang pang-aabuso, pagpatay, at iba pang mga krimen ay talamak. Ang kanilang apat na kulungan ay umaapaw, at madalas nilang dinadala ang mga bilanggo sa ibang bayan. Sila ay rehiyon ng sakahan, subalit ang lupain nila ay hindi nananagana.
Pagkatapos na halos patayin, isang magsasaka ang halos sumuko na. Sa kawalang-pag-asa, siya ay lumuhod at muling inalay ang kanyang sakahan, kanyang buhay, at ang lupain ng rehiyon sa Diyos. Ang ibang mga magsasaka ay sumama sa kanya at sila ay nanalangin na ang Diyos ay magbuhos ng Kanyang biyaya sa lupain na tila isinumpa. Idinalangin nila na ang kanilang sulok ng Lupa ay magmukhang Langit (Mateo 6:10).
Pinakinggan ng Panginoon ang kanilang panalangin at tinugon ito sa isang madulang paraan (Exodo 2:24-25). Ang mga tao sa Almolonga ay tumalikod sa kanilang mga diyos-diyosan. Sila ay tumigil sa pagpunta sa mga bar at nagsimulang dumalo sa simbahan. Karamihan sa mga walang ginagawa ay nagsimulang magtrabaho nang mabuti. Ang mga pagsasama ay nasagip at ang magkakaaway ay nagkasundo.
Sa pagdaan ng mga taon, ang 36 na bar at inuman ay bumaba sa tatlo. Isa sa apat na kulungan sa bayan ay isinara, at ang natitirang isa ay binago bilang "Bulwagan ng Karangalan." Ang alkaldeng Cristiano at ang mga lider ng simbahan doon ay naniniwala na 80% ng mga residente ay naging taga-sunod ni Cristo.
Ang isa sa pinakamadulang resulta ay sa dako ng agrikultura. Sa loob ng maraming taon, ang mga ani ay nakaranas ng tuyong lupa at hindi magandang gawi sa trabaho. Ngayon ang lupain ay nagbubunga ng hanggang tatlong ani sa isang taon. Ang mga magsasaka ng Almolonga noon ay nagpapadala ng apat na trak ng pananim sa palengke buwan-buwan. Ngayon, sila ay nagpapadala ng 40 trak linggu-linggo. Ang mga magsasaka ay nagbabayad ng cash para sa malaking Mercedes trak at pinapalamutian ng mga talata sa Biblia at mga pariralang Cristiano.
Ang mga pananim mismo ay nagbago. Ang mga gulay ay lumaki nang doble sa kanilang pangkaraniwang laki. Ang karot ay madalas na kasing laki ng braso ng tao. Ang mga mananaliksik sa agrikultura mula sa Amerika at sa iba pang dako ay bumisita sa Almolonga, sinusubukang maunawaan kung paano sila nakakakuha ng maraming mga ani na sobra sa laki taun-taon. Subalit hindi nila nakita kung ano ang inaasahan nila.
Pinagaling ng Diyos ang kanilang lupain.
Sa palagay mo ba ang Panginoon ay nagmamalasakit din sa iyong lupain?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ako ay naniwala sa isang kasinungalingan sa loob ng maraming taon. Ang kasinungalingang ito ay pinakapangkaraniwan sa grupo ng mga Cristiano. Ako ay naniwala sa isang sekular-sagrado na paghahati. At ito ang pumigil sa akin. Samahan mo ako na tuklasin kung paanong nais ng Diyos na tayo ay palakasin nang higit sa karaniwan upang dalhin ang Langit dito sa Lupa at magtagumpay sa negosyo at buhay. Marami tayong mga pagkakataon upang maimpluwensiyahan ang mundo nang higit sa karamihan sa mga "buong-panahong ministro," at ang gabay sa Bibliang ito ang magpapakita sa iyo kung paano!
More