Pagtutok: Isang 6-Araw na Interaktibong Debosyonal Tungkol sa Pananampalataya Para sa Mga Bata Halimbawa

Paano Magtiwala Kay Jesus
Kung binabasa mo ito, marahil may ilan kang katanungan patungkol sa pananampalataya. Ang pagkakaroon ng relasyon kay Jesus ay maaring kakaiba para sa iyo. Siguro parang imposible. Okay lang iyon!
Narito ang ilang bagay na dapat mong malaman.
Noong nilikha ng Diyos ang mundo at lahat ng naririto, ito ay mabuti. Talagang 100-porsyentong-napakabuti. Tapos, ang mga unang taong nilikha ng Diyos (si Adan at si Eba) ay nagkasala. Binali nila ang nag-iisang utos na ibinigay ng Diyos sa kanila. Noong binali nila ang utos na iyon, hindi na 100-porsyentong-napakabuti ang mga bagay-bagay.
Ang kasalanan ay mga bagay na ginagawa natin na mali. Lahat ay nagkasala. Kahit ang mga magulang at mga guro natin!
Ang problema ay ang kasalanan ang naghihiwalay sa atin sa Diyos.
Napapunta ka na ba sa dilim dati? Kung maari, pumunta ka sa isang kuwarto na walang bintana, Siguro sa isang banyo o aparador. Isarado mo ang pinto at patayin ang ilaw. Bumilang ng sampu (o dalawampu kung ikaw ay matapang!) at lumabas.
PAG-ISIPAN ITO
- Anong pakiramdam ng nasa dilim?
- Anong isang bagay na gusto mong mayroon ka kapag ikaw ay nasa dilim (maliban sa meryenda!)?
Kapag tayo ay nahiwalay sa Diyos dahil sa ating kasalanan, ito ay para kang nasa dilim. Ngunit kapag tayo'y nasa pamilya ng Diyos, mayroon tayong pinakamaliwanag na liwanag: si Jesus! Tinutulungan Niya tayong harapin ang ating mga problema at mga takot nang may lakas ng loob at pagtutuon.
Kaya, paano natin maaalis ang kasalanan at maging bahagi ng pamilya ng Diyos? Bueno, tayo'y hindi makakagawa ng kung anuman patungkol sa ating kasalanan dahil tayo ay tao lamang. Ngunit mahal na mahal tayo ng Diyos kaya gumawa Siya ng paraan para mailigtas tayo.
Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak na si Jesus na manirahan sa Daigdig. Si Jesus ang umako ng parusa para sa ating kasalanan noong hinahayaan Niyang Siya'y mapako sa krus, kung saan Siya namatay. Pagkalipas ng tatlong araw, Siya ay bumangon mula sa kamatayan, na nagpapatunay na Siya ay Anak ng Diyos! Pagkatapos, Siya ay bumalik sa langit upang mamuhay kasama ang Diyos magpakailanman.
Kapag sinabi natin kay Jesus na tayo ay naniniwala na Siya'y Anak ng Diyos at humingi ng kapatawaran sa ating kasalanan, gagawin Niya ito. At tayo ay magiging bahagi ng pamilya ng Diyos—ngayon, at balang araw sa langit. Tayo ay lilipat mula sa pamumuhay sa dilim patungo sa pamumuhay sa liwanag!
Gumawa ka na ba ng desisyon na magtiwala kay Jesus at sa lahat ng ginawa Niya para sa iyo? Kung hindi pa, makipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo, tulad ng magulang o lider ng isang maliit na grupo. Tanungin siya kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng relasyon kay Jesus. Tapos, sabihin sa kanya na handa ka nang manampalatayang mag-isa.
Umaasa kami na nagustuhan mo ang Gabay na ito! Inangkop namin ito mula sa isang 8-linggong interaktibong debosyonal na aklat para sa mga batang nasa elementarya na kung tawagin ay Focus: Take a Closer Look. Matutunan ang iba pa sa FocusDevo.com
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay nangangahulugan ng tiwala sa mga di mo nakikita dahil sa mga nakikita mo na. Ito ay mahirap. Paano natin malalaman na ang Diyos ay totoo? Mapagtitiwalaan ba natin Siya kapag may masama o nakakatakot na bagay na nangyayari? Paano kung may ginawa tayong mali? Patatawarin ba Niya tayo? Sa pamamagitan ng Gabay sa Biblia na ito, titingnan natin kung ano ang ibig sabihin ng paglalagay ng pananampalataya natin kay Jesus (at paano nito mas mapapaganda ang buhay).
More