Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtutok: Isang 6-Araw na Interaktibong Debosyonal Tungkol sa Pananampalataya Para sa Mga Bata Halimbawa

Focus: A 6-Day Interactive Devotional On Faith For Kids

ARAW 5 NG 6

Ang Pagsunod kay Jesus ay Magiging Higit pa sa Iyong Inaakala

Gusto mo ba ang mga bagyo? Nabibighani ka ba sa mga kulog at kidlat at malakas na hangin at ulan?  

O ayaw mo sa mga bagyo? Marahil, ginagawa nitong pagpawisin ang iyong mga kilikili at paiikutin ang iyong tiyan. 

Sa hilagang polo ng Saturn, may isang bagyong palaging nananalasa. At ito'y hindi isang maliit na bagyo! Ang sistema ng panahon sa Saturn ay doble ng laki ng sa Mundo. Dagdag pa rito, ito ay nananatiling pinakamalaking misteryo kailanman. Bakit? Dahil ang bagyo ay hugis ng isang perpektong heksagon. 

Kung hindi ka pa sigurado kung anung itsura ng hugis na iyon, i-Google mo na ito ngayon (Humingi ng permiso sa nakakatanda!) Pagkatapos, bumalik ka rito. 

Ang mga siyentipiko ay walang ideya kung bakit ang malaking bagyo ng Saturn ay ganito ang hugis. Ito’y isang halimbawa lamang ng isang bagay na kung saan ang mga siyentipiko ay marami ang alam patungkol dito, ngunit hindi lahat ng patungkol dito.

Maraming misteryo ang nangyayari sa kalikasan na hindi na natin kailanman makakamtan ang kasagutan. Ito ay totoo rin sa kung ano ang mangyayari kapag ang buhay sa mundo ay magtatapos na. 

Hindi ito sobrang masayang paksa, hindi ba? Marahil ito ay dahil hindi natin alam lahat ng mga sagot patungkol sa susunod na mangyayari. 

Ngunit sinasabii sa atin ng Biblia ang ilang bagay: na mamumuhay ang Diyos kasama ang mga tao sa langit, at Siya ay magiging kanilang Diyos. Hindi ba't kamangha-mangha iyon? 

Ang mamuhay sa langit kasama ang Diyos at ang ibang kasama ng Kanyang pamilya ay hindi kayang maarok ng isipan. Ngunit ano ba ang kailangan para makarating sa langit? 

Kabaitan?
Kabutihan?
Kapatawaran?

Kahit tila mahirap makarating sa langit, ito'y talagang napakasimple. 

Ang kailangan mo lamang upang makarating sa langit ay manampalataya kay Jesus. Hindi ibig sabihin nitong kailangan mong maging perpekto. Isipin mo si Pablo! Akala niya ang mga Cristiano ang kaaway, pagkatapos siya ay naging isang Cristiano! Nalaman ni Pablo na ang kabutihan ng Diyos ay mas malaki sa kanyang mga pagkakamali. 

Ito ay totoo rin para sa iyo. 

Ang kailangan mo lang ay magtiwala sa Anak ng Diyos, si Jesus. (Kung hindi mo pa nailalagay ang pananampalataya mo kay Jesus—kung hindi mo pa man nahihiling na mapabilang sa pamilya ng Diyos magpakailanman—siguraduhin mong basahin mo ang debosyonal bukas.)

GAWIN ITO

Kumuha ng isang piraso ng papel at isang panulat. Gumuhit ng isang larawan kung ano sa tingin mo ang itsura ng langit. Paano maglalakbay ang mga tao? Saan titira ang mga tao? Ano ang kanilang isusuot, gagawin, at kakainin? 

Habang ikaw ay gumuguhit, alalahanin: ang pagsunod kay Jesus ay magiging mas maganda pa sa iyong inaakala, dahil ang ating pananampalataya ang nagbibigay sa atin ng pag-asa ng langit.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Focus: A 6-Day Interactive Devotional On Faith For Kids

Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay nangangahulugan ng tiwala sa mga di mo nakikita dahil sa mga nakikita mo na. Ito ay mahirap. Paano natin malalaman na ang Diyos ay totoo? Mapagtitiwalaan ba natin Siya kapag may masama o nakakatakot na bagay na nangyayari? Paano kung may ginawa tayong mali? Patatawarin ba Niya tayo? Sa pamamagitan ng Gabay sa Biblia na ito, titingnan natin kung ano ang ibig sabihin ng paglalagay ng pananampalataya natin kay Jesus (at paano nito mas mapapaganda ang buhay).

More

Nais naming pasalamatan ang reThink Group sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://orangebooks.com/