Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtutok: Isang 6-Araw na Interaktibong Debosyonal Tungkol sa Pananampalataya Para sa Mga Bata Halimbawa

Focus: A 6-Day Interactive Devotional On Faith For Kids

ARAW 4 NG 6

Dahil Kay Jesus, Mayroon Tayong Kaloob na Biyaya

Namumuhay tayo sa isang kamangha-manghang panahon. Napapaligiran tayo ng iba't ibang teknolohiya na wala noong panahon na kasing edad natin ang ating mga magulang o mga lolo at lola. 

 At hindi pa tapos ang siyensya! Tingnan ang mga teknolohiyang hinuhubog ngayon mismo:

  • Hyperloop: Ito ay isang mala-tren na sasakyan na nakakapaglakbay sa mga tubo sa bilis na 600 milya bawat oras. Ibig sabihin ang isang biyahe mula San Francisco patungong Los Angeles (na karaniwang inaabot ng anim na oras) ay aabot lamang ng mga 35 na minuto! 
  • Kotse na nagmamaneho ng sarili: Ang mga kotseng kayang magmaneho ng kanyang sarili ay makakatulong na mapabuti ang trapiko at mabawasan ang bilang ng mga aksidente. Dagdag pa dito, siguro magandang manuod ng mga pelikula kasama ang pamilya habang kayo ay nagbibiyahe? 
  • Mga biyaheng patungo sa kalawakan sakay sa Lobong Helium: Sa pamamagitan ng isang espesyal na kapsula na nakakabit sa isang lobong may helium, pwede ka nang magbiyahe sa taas patungong kalawakan!

Ang lahat ng iyon ay nakakamangha, hindi ba? Ang iba sa mga iyon ay parang masyadong mabuti para maging totoo. 

Iyan ang pag-uusapan natin ngayon—isang bagay na sobrang napakabuti para maging totoo, pero itoay totoo. At ang bagay na ito ay ang biyaya

Matututunan natin ang patungkol sa biyaya sa Mga Taga-Efeso (na isang aklat sa Biblia):

  1. Ang biyaya ang nagliligtas sa atin.
  2. Ang biyaya ay hindi nanggagaling sa kung anumang ating ginagawa. 
  3. Walang sinuman ang kayang makamit ang biyaya.

Hulaan kung sino ang sumulat ng aklat ng Mga Taga-Efeso. Sige na! Hulaan mo! 

Siya ay si Pablo. Si Pablo—iyong lalaking nakatagpo si Jesus at nagbago magpakailanman. Ang lalaki na dating nagpapakulong sa mga taga-sunod ni Jesus na naging taga-sunod ni Jesus. Masasabi mo talagang eksperto si Pablo sa biyaya!

Itinuturo ni Pablo na ang biyaya ay kaloob. 

Ito'y kaloob ng pagpapatawad tuwing tayo ay nagkakamali.
Ito’y kaloob ng pagiging minamahal ng Diyos bago pa man natin makilala kung sino Siya.
Ito’y kaloob ng pagiging bahagi ng pamilya ng Diyos magpakailanman, anuman ang mangyari. 

Ang biyaya ay sobrang napakabuti para maging totoo, pero ito ay totoo. 

GAWIN ITO

Kumuha ng isang pirasong papel at isang panulat. Gumuhit ng larawan ng isang bagay na nais mong ikaw ang makaimbento—isang bagay na sobrang napakabuti para maging totoo. 

Habang ikaw ay gumuguhit, alalahanin na kahit na ito ay sobrang napakabuti para maging totoo, dahil kay Jesus mayroon tayong kaloob na biyaya. 

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Focus: A 6-Day Interactive Devotional On Faith For Kids

Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay nangangahulugan ng tiwala sa mga di mo nakikita dahil sa mga nakikita mo na. Ito ay mahirap. Paano natin malalaman na ang Diyos ay totoo? Mapagtitiwalaan ba natin Siya kapag may masama o nakakatakot na bagay na nangyayari? Paano kung may ginawa tayong mali? Patatawarin ba Niya tayo? Sa pamamagitan ng Gabay sa Biblia na ito, titingnan natin kung ano ang ibig sabihin ng paglalagay ng pananampalataya natin kay Jesus (at paano nito mas mapapaganda ang buhay).

More

Nais naming pasalamatan ang reThink Group sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://orangebooks.com/