Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtutok: Isang 6-Araw na Interaktibong Debosyonal Tungkol sa Pananampalataya Para sa Mga Bata Halimbawa

Focus: A 6-Day Interactive Devotional On Faith For Kids

ARAW 1 NG 6

Maari Mong Makilala si Jesus Kahit Di Mo pa Siya Nakikita

Pagtutok. 

Ito ba ay salitang narinig mo na dati? Marahil ay sinasabihan ka ng iyong Tatay na pag-isipang mabuti ang iyong takdang aralin sa matematika, pero ang bagong yugto ng paborito mong palabas ay nasa YouTube na.

O baka nahuli ka ng iyong coach sa soccer na nangangarap nang gising tungkol sa kung ano ang iyong magiging hapunan. 

O ang iyong matalik na kaibigan ay tumigil sa kalagitnaan ng kanyang kwento dahil nakatulala ka na sa kawalan, dahil iniisip mo kung natutulog ang langgam tuwing gabi. 

Sa ating pag-aaral, ating tutukuyin ang pagtutok bilang “pagtingin ng malapitan.

Sa ibang salita, nasa kung saan man ang iyong isip o mga mata dati, ibabaling mo ito pabalik sa mas importanteng mga bagay. Pag tumutok ka sa isang bagay, ibinibigay mo dito ang lahat ng iyong atensyon. 

Ang pananampalataya ay pagtitiwala sa mga bagay na di mo nakikita dahil sa mga nakikita mo na. Ngunit paano mo ito magagawa? Paano mo matututukan ang isang bagay na di mo nakikita? 

Tutukan mo ang mga bagay na nakikita mo. 

Isipin mo na ikaw ay isang imbestigador. Kung sinusubukan mong lutasin ang isang krimen na walang nakasaksi, hahanap ka ng ebidensiya sa pangyayari. Hahanapin mo ang iyong nakita upang matukoy ang hindi mo nakita. 

Sa Biblia, natunghayan natin ang isang lalaking nagngangalang Pablo. Marami pa tayong matututunan patungkol kay Pablo, ngunit sa ngayon, ang kailangan lang natin malaman ay ang pananampalataya ni Pablo ay lumalago. (Kung nabasa mo ang bersikulo ngayon, makikita mo kung paanong ipinaliwanag ni Pablo kung ano ang pananampalataya.) 

Kung nais mo ng malaking-malaking pananampalataya, maari mong tingnan kung ano ang iyong nakikita upang maging tiyak sa iyong hindi nakikita. ginagawa mo ito lagi! Nakakita ka na ba ng mga dahon na gumagalaw kapag may hangin? Hindi mo nakikita ang hangin. Ngunit alam mong ito ay naroroon dahil sa iyong kayang makita. 

Kahit di natin nakikita si Jesus, kaya nating makita ang ebidensya na Siya ay nabubuhay. 

GAWIN ITO

Kumuha ka ng isang piraso ng papel at isang panulat. Kung pwede, lumabas ka. Kung hindi pwede, tumanaw sa labas ng bintana. Iguhit ang iyong nakikita. (Kahit simpleng guhit lamang ay pinahihintulutan!)

Habang ika'y gumuguhit, alalahanin na ginawa ng Diyos ang lahat ng iyan! Ang mga tao, ang mga puno—kahit ang mga bagay kung saan gawa ang mga gusali at bahay. Kapag nahihirapan kang magkaroon ng pananampalataya, tingnan mo kung ano ang kaya mong makita upang maniwala sa di nakikita. 

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Focus: A 6-Day Interactive Devotional On Faith For Kids

Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay nangangahulugan ng tiwala sa mga di mo nakikita dahil sa mga nakikita mo na. Ito ay mahirap. Paano natin malalaman na ang Diyos ay totoo? Mapagtitiwalaan ba natin Siya kapag may masama o nakakatakot na bagay na nangyayari? Paano kung may ginawa tayong mali? Patatawarin ba Niya tayo? Sa pamamagitan ng Gabay sa Biblia na ito, titingnan natin kung ano ang ibig sabihin ng paglalagay ng pananampalataya natin kay Jesus (at paano nito mas mapapaganda ang buhay).

More

Nais naming pasalamatan ang reThink Group sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://orangebooks.com/