Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magsimula MuliHalimbawa

Begin Again

ARAW 7 NG 7

Ang Samaritanong Tagapagligtas

Narito ang isang nagliligtas-buhay na katotohanan: Ang isang taong nalulunod ang pinakamasama niyang kaaway. Habang mayroon pa siyang sapat na enerhiya para manatili sa tubig, huwag mo siyang lalapitan. Siya ay nasa isang estado ng takot at hahawak sa iyo na magiging sanhi ng inyong pagkalunod na dalawa. Maghintay hanggang sa maubos ang lahat ng kanyang lakas. Doon lamang siya magiging handa na mailigtas. Totoo rin ito para sa sinumang lubhang nangangailangan ng Tagapagligtas sa kanilang buhay.

Basahin muli ang Lucas 10:25-37. Ang tanong: “Ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Sinasabi ba ni Jesus na maging "mabuting kapwa" lamang at maliligtas ka? Maging tulad ni Mother Theresa? Hindi, hindi tayo magiging matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan (Basahin ang Mga Taga-Roma 3:20). Ang pangunahing layunin ng pagtuturo ni Jesus ay ang patuloy na dalhin ang Kanyang mga tagapakinig tungo sa hindi maiiwasang konklusyon na ang tanging pag-asa nila sa kaligtasan ay isang Tagapagligtas.

“Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit..”
( Mateo 5:48 Rtpv05)

““Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay." (Juan 11:25 Rtpv05)

“ “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6 Rtpv05)

Sa Lucas 10:27 ay sinasabing ibigin ang Diyos at ang mga tao. Ano ang hitsura ng tunay na pagmamahal sa iyong kapwa? Hindi kapani-paniwalang walang pag-iimbot, mapagsakripisyo at salungat sa kultura at normal na kaisipan.

"Sige ganoon din ang iyong gawin." ( Lucas 10:37 Rtpv05) ay halos nangangahulugan ng patuloy na paggawa nito nang walang kahit isang pahinga. Ang uri ng pag-ibig sa kapwa na hinihingi ng Diyos – kung tayo ay maaring matuwid ng Batas. Sino ang nagpapakita ng awa? "Mga taong relihiyoso" tulad ng Pari o Levita?
Hindi ka ililigtas ng iyong relihiyon! Ang pinaka-hindi kaibig-ibig na tao, isang Samaritano, ay lumabas na siyang Tagapagligtas.

Nakaramdam ka na ba ng labis na pagkalungkot sa kanal noon? Naiiyak mo na ba ang mga salitang ito sa Samaritanong Tagapagligtas dahil alam mo, Siya ang iyong huling pag-asa?

"Jesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Ang Bulag na si Bartimeo
( Marcos 10:47 Rtpv05)

“O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap; ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad; para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas."
( Awit 63:1-2 Rtpv05)

O may kilala ka bang tumatanggi pa ring tanggapin si Cristo dahil Siya ang hindi malamang na sagot sa kanilang makamundo at pansamantalang pangangailangan? Isang kamag-anak o kaibigan na matagal mo nang inaabot. Bakit hindi ka maglaan ng oras para ipagdasal siya ngayon.

Tulad ng isang taong dumadaan sa isang madilim, mamasa-masang lambak na may posporo sa kanyang kamay. Subukan man niya, ang lahat ay masyadong basa para mag-apoy. Ngunit kapag ikaw ay nananalangin, ang hangin ng Espiritu ay nagsisimulang umihip at matutuyo ang kahalumigmigan. At biglang may pagbabago! Ang apoy ay nagsisimulang mag-alab sa mga puso ng mga lalaki at babae – at ipinapasa nila ito sa iba – hanggang sa ang buong lambak ay nagniningas sa Diyos! Iyan ang kahalagahan ng panalangin.
Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Begin Again

Bagong Taon. Isang Bagong Araw. Nilikha ng Diyos ang mga pagbabagong ito upang paalalahanan tayo na Siya ay Diyos ng mga Bagong Simula. Kung makakapagsalita ang Diyos sa mundo sa pag-iral, tiyak na maaari Siyang mangusap sa kadiliman ng iyong buhay, lumilikha para sa iyo ng bagong panimula. Hindi mo ba ibig ang sariwang panimula! Tulad ng babasahing gabay na ito. Magsaya!

More

Nais naming pasalamatan si G. Boris Joaquin, Presidente at Chief Equipping Officer ng Breakthrough Leadership Management Consultancy. Siya ay dalubhasang tagapagsanay at kinikilalang isa sa pinakamahusay na tagapagsalita patungkol sa pamumuno at iba pang "soft skills" sa Pilipinas. Kasama ang kanyang asawa na si Michelle Joaquin, siya ang nag-ambag ng babasahing gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.theprojectpurpose.com/