Magsimula MuliHalimbawa
Biyaya ng Diyos: Ang Kanyang Nakalahad na Kamay
Iniisip ko kung ano ang maaaring naramdaman niya: puspos sa kahihiyan at ang pakiramdam ng pagkapahiya, marahil ay may halong galit, pagtataksil, at pagkakasala - at ang pag-iisip ng nalalapit na kamatayan. Marahil ang babaeng nahuli sa pangangalunya ay mas pipiliin pa ang kamatayan kaysa sa mas malaking kahihiyan na kakaharapin niya sa harap ng publiko.
Tila walang tutulong sa kanya.
Ngunit habang hinihintay niyang matamaan ng mga bato, walang dumapo sa kanya. Natitiyak niyang ang mga pinuno ng relihiyong iyon ay sabik na batuhin siya hanggang mamatay.
“...Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” (v.7) Nagbigay si Jesus ng hamon sa mga sabik na dalhin ang makasalanang ito sa kanyang parusang kamatayan, at ito ay isang mabigat na hamon -- sa mga kapwa makasalanan.
Habang sila ay sabik na ihatid siya sa kanyang kamatayan, sa harap ng mabigat na kasalanan ng babaeng ito, hindi pa tapos ang Panginoon sa kanya. Sa katunayan, si Jesus ay sabik na ihatid siya sa isang bagong simula. "Humayo ka at huwag nang magkasala." (v. 11)
Naramdaman mo na ba na ang buhay ay tapos na sa iyo, at ikaw ay tapos na sa buhay? Matapos ang lahat ng mga maling pagliko, makasalanan at hindi matalinong mga pagpili na halos sumira ng iyong kinabukasan o ng iyong buhay, hindi pa rin tapos ang Diyos sa iyo. Hindi, sa halip ay nais ng Diyos na bigyan ka ng bagong simula.
Nakikita ka ng Diyos at nakikita Niya ang puso mo. Mahal ka Niya hanggang sa kaibuturan. Lumapit kay Jesus bilang ikaw. Ang biyaya ng Diyos ay ang nakaunat na kamay na iniaalok Niya sa iyo upang makatayo ka at harapin muli ang buhay -- kasama Niya, sa pagkakataong ito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bagong Taon. Isang Bagong Araw. Nilikha ng Diyos ang mga pagbabagong ito upang paalalahanan tayo na Siya ay Diyos ng mga Bagong Simula. Kung makakapagsalita ang Diyos sa mundo sa pag-iral, tiyak na maaari Siyang mangusap sa kadiliman ng iyong buhay, lumilikha para sa iyo ng bagong panimula. Hindi mo ba ibig ang sariwang panimula! Tulad ng babasahing gabay na ito. Magsaya!
More
Nais naming pasalamatan si G. Boris Joaquin, Presidente at Chief Equipping Officer ng Breakthrough Leadership Management Consultancy. Siya ay dalubhasang tagapagsanay at kinikilalang isa sa pinakamahusay na tagapagsalita patungkol sa pamumuno at iba pang "soft skills" sa Pilipinas. Kasama ang kanyang asawa na si Michelle Joaquin, siya ang nag-ambag ng babasahing gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.theprojectpurpose.com/