Magsimula MuliHalimbawa
Karanasan sa Daan ng Damasco
Ang pagbabalik-loob ni Saulo sa daan patungo sa Damasco ay muling ikinuwento nang maraming beses at ito ay simbolo ng maraming pagbabagong-loob – ang mga naantig ng biyaya ng Banal na Espiritu at nagsimulang muli. Nabago ang buhay ni Pablo nang manampalataya siya kay Jesus. Tandaan na si Pablo ay tinawag ding Saulo. Huwag malito sa dalawang pangalan.
Sa Mga Gawa 9:1-2 ang mga tagasunod ni Cristo ay tinawag na mga tao ng “Daan” dahil sinasabi ng mga Cristiano na ang pananampalataya kay Jesus ang “tanging daan” tungo sa kaligtasan (Basahin ang Juan 14:6). Si Pablo ay isang mapagmataas na pinuno ng relihiyong Judio at ayaw niyang aminin na mali ang kanyang relihiyon.
Naglakbay si Saulo sa daan patungo sa Damasco na may kamatayan sa kanyang puso – upang usigin ang mga tagasunod ng “Daan”. Sa daan ng Damasco, nakatagpo si Saulo ng nakakasilaw na liwanag, na mas maliwanag kaysa sa araw sa tanghali. Pagkatapos ay narinig niya ang isang tinig na nagsabi sa kanya: "Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?" (Mga Gawa 9:4). Nang tanungin ni Saulo kung sino ang nagsasalita sa kanya, sumagot ang tinig, “Ako'y si Jesus, ang iyong inuusig,” tugon ng tinig sa kanya. “Tumayo ka't pumasok sa lunsod, at doo'y sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” (Mga Gawa 9:5-6).
Si Ananias ay hindi kumbinsido na si Saulo ay maaaring maging isang mananampalataya kay Jesus. Sa talata 11, sinabi ng Panginoon kay Ananias na ang pagkakita kay Saulo na nagdarasal ay magiging katibayan na siya ay nagbago.
Si Saulo ay bulag! Pinagpakumbaba ng Diyos si Saulo para matanto niya kung gaano niya kailangan si Jesus. Kapag ang isang tao ay nagiging desperado, si Jesus ay lumalapit. Ayon sa Mga Gawa 9:19b-22, si Saulo ay nagkaroon ng dagliang pagbabago sa kanyang buhay, isang radikal na pagbabago.
Ito ang paglalarawan ni Pablo sa nangyari sa kanya — at sa amin na naniniwala kay Cristo – Basahin ang 2 Mga Taga-Corinto 5:17. Hindi gaanong maraming tao ang may dramatikong “karanasan sa Daan sa Damasco” na gaya ni Saulo, ngunit lahat tayo ay dapat na masabi: “Nagbago ang buhay ko mula nang makilala ko si Jesu-Cristo.” Masasabi mo ba yan? Maaari ka bang magbahagi ng panahon kung kailan ka pinagpakumbaba ng Diyos para mapalapit ka sa Kanya?
Sa sandaling iyon ng takot, panghihinayang at kaliwanagan, naunawaan ni Saulo na si Jesus nga ang tunay na Mesiyas, at na siya ay tumulong sa pagpatay at pagpapakulong ng mga inosenteng tao. Natanto ni Saulo na sa kabila ng dati niyang paniniwala bilang Pariseo, alam na niya ngayon ang katotohanan tungkol sa Diyos at obligado siyang sundin Siya.
Sa sandaling iyon si Saulo ay naging tunay, hindi na mababawi, isang bagong tao. Siya ay ipinanganak muli. At pinili niyang markahan ang oras na iyon ng pagbabago sa pamamagitan ng pagbabago ng Hebreong pangalang Saulo sa Pablo – upang magsimulang muli.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bagong Taon. Isang Bagong Araw. Nilikha ng Diyos ang mga pagbabagong ito upang paalalahanan tayo na Siya ay Diyos ng mga Bagong Simula. Kung makakapagsalita ang Diyos sa mundo sa pag-iral, tiyak na maaari Siyang mangusap sa kadiliman ng iyong buhay, lumilikha para sa iyo ng bagong panimula. Hindi mo ba ibig ang sariwang panimula! Tulad ng babasahing gabay na ito. Magsaya!
More
Nais naming pasalamatan si G. Boris Joaquin, Presidente at Chief Equipping Officer ng Breakthrough Leadership Management Consultancy. Siya ay dalubhasang tagapagsanay at kinikilalang isa sa pinakamahusay na tagapagsalita patungkol sa pamumuno at iba pang "soft skills" sa Pilipinas. Kasama ang kanyang asawa na si Michelle Joaquin, siya ang nag-ambag ng babasahing gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.theprojectpurpose.com/