Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magsimula MuliHalimbawa

Begin Again

ARAW 1 NG 7

Isang Bagong Simula

Gustung-gusto ko ang pagpapalit tungo sa isang bagong taon. Tulad ng kagustuhan kong makita ang bukang-liwayway ng isang bagong araw. Naniniwala ako na nilikha ng Diyos ang mga pagbabagong ito upang ipaalala sa atin na Siya ang Diyos ng Bagong Simula.

Ang Diyos ay maaaring lumikha ng isang bagay mula sa wala. Tulad ng mga banga ng luwad, Siya ay maaaring bumuo ng isang bagay mula sa isang walang hugis na masa. Maaari Niyang kunin ang iyong pusong wasak, marumi at nadungisan, at gawing isang pusong dalisay at may layunin – gawin itong buo muli!

Tulad sa Genesis, kung saan nagsasalita ang Diyos sa kawalan at kadiliman upang likhain ang sansinukob, mga bituin at ang ating mundo. Nangusap ang Diyos at nalikha ang mundo. Ang Diyos ay maaari ring magsalita sa kadiliman ng iyong buhay, lumikha para sa iyo ng isang bagong simula.

Sa mga susunod na araw, hayaan mong gabayan kita sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga taong isinuko ang kanilang kaguluhan sa Diyos. Hindi na kontrolado ng mga pangyayari, mga sitwasyon, o damdamin. Ngunit kinikilala na maaari lamang silang magkaroon ng mga tamang solusyon, isang tunay na buhay, isang bagong buhay at isang bagong simula sa pamamagitan ng Anak ng Diyos, si Jesu-Cristo ( Basahin ang 1 Mga Taga-Corinto 1:30).

Ngayon pa lang, maaari na Siyang mangusap sa kaguluhan ng iyong buhay para bigyan ito ng bagong pag-asa, ng bagong enerhiya.

Basahin ang Mga Awit 51:10. Nais ng Diyos na makita kang dalisay, kaya gusto Niyang magkaroon ng aktibong papel sa paglikha ng iyong bagong puso at pagdadala ng kaayusan sa kaguluhan ng iyong buhay. Ang kailangan mo lang gawin ay magpakumbaba sa harap niya at magpasakop sa kanyang kapangyarihan.

Sabihin, "Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin." Manalangin, "O Diyos, gumawa Ka ng bagong simula sa buhay ko, mula sa lahat ng kaguluhan, hayaan Mo akong magsimulang muli."

Gustung-gusto ko ang mga bagong simula! Tulad na lang nitong babasahing gabay na ito. Magsaya!
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Begin Again

Bagong Taon. Isang Bagong Araw. Nilikha ng Diyos ang mga pagbabagong ito upang paalalahanan tayo na Siya ay Diyos ng mga Bagong Simula. Kung makakapagsalita ang Diyos sa mundo sa pag-iral, tiyak na maaari Siyang mangusap sa kadiliman ng iyong buhay, lumilikha para sa iyo ng bagong panimula. Hindi mo ba ibig ang sariwang panimula! Tulad ng babasahing gabay na ito. Magsaya!

More

Nais naming pasalamatan si G. Boris Joaquin, Presidente at Chief Equipping Officer ng Breakthrough Leadership Management Consultancy. Siya ay dalubhasang tagapagsanay at kinikilalang isa sa pinakamahusay na tagapagsalita patungkol sa pamumuno at iba pang "soft skills" sa Pilipinas. Kasama ang kanyang asawa na si Michelle Joaquin, siya ang nag-ambag ng babasahing gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.theprojectpurpose.com/