Ang Pagpapanumbalik sa Pamayanan at ang IglesiaHalimbawa
Binagong Kaisipan
Ang misyon ng muling pagpapasigla at pagbabago ng mga pamayanan ay nagsisimula sa isang tao kasama ang napakahalagang katotohanan—kung anong iniisip ng isang tao, nagiging siya iyon. Sa ibang pananalita, ang pag-uugali ng isang tao ay kontrolado ng kanyang iniisip. Kung ang kanyang kaisipan ay nabago, ang tao ay nabago rin. Ang mga nagbagong indibidwal ay nakapagpapabago ng mga pamilya, at ang nagbagong mga pamilya ay nakapagpapanumbalik ng mga pamayanan.
Isa akong buhay na patotoo nito. Ang lunsod ng Baltimore ay may isa sa pinakamababang bilang sa bansa ng mga nakakapagtapos sa paaralan. Natatandaan ko kung paano ang subukang matuto sa isang paaralang kulang ang mga kawani, may mga gurong sobra-sobra ang trabaho, kulang sa mga kagamitan at napakaliit ng panghihikayat upang magturo.
Natatandaan ko pa kung paanong hindi ko makita ang mangyayari sa aking kasalukuyang realidad ng buhay. Noon lamang nabuksan ang mga mata ko sa pamamagitan ng aking mga magulang at tagapagturo ay saka ko nakita na mas mainam ang ideya ng pag-aaral sa kolehiyo. Habang ang mga marka ko noong haiskul ay hindi nagpapakita ng isang estudyanteng may magandang kinabukasan, nagpatuloy pa rin ako sa paniniwalang naitanim sa akin, at paglaon ay nakatapos ako sa kolehiyo na may dagdag na karangalang pang-akademika mula sa seminaryo at ako ang unang itim na taong nakapagtapos na may digring doktoral mula sa Dallas Theological Seminary. Ngunit iyan ay dahil may mga tao sa buhay kong nag-udyok sa akin upang lampasan ang sarili kong limitadong pananaw. May nakita sila sa akin kahit hindi ko ito makita, at mas mabuting tao ako ngayon dahil dito.
Ang mga indibidwal ay nagbabago at ang mga pamayanan ay nag-iiba kapag ang mga tao ay sumusuporta sa kanila at tumutulong upang tumingin sa kabila ng nakikita nila sa kasalukuyan. Habang ang iglesia ay nag-aalok ng napanghahawakang mga serbisyong panlipunan, nagbibigay ito sa mga tao ng isang sulyap sa kung anong maaaring maging buhay nila at ng kanilang pamayanan.
Paano kang makapagsusuporta sa ibang tao at matulungan silang tingnan ang buhay nila sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon nila?
Nawa ay nakapagpalakas ng inyong loob ang gabay na ito. Kung nais ninyo ng higit pa, i-click ang dito.
Tungkol sa Gabay na ito
Marami nang mga pag-uusap hinggil sa pagpapanumbalik sa pamayanan. Ang mga tao ay nagtatalo sa iba't-ibang pananaw. Ang ilang mga iglesia ay may mga pangkatang talakayan, at ang iba ay nagkakaroon ng mga kumperensya. Ang ilang mga politiko ay nangangako ng mga bagong panimula. Ngunit ang lahat ba ng ito ay puro salita na lang? May mga mapanghahawakang gawain ba tayong maaaring gawin upang magkaroon ng pagbabago? Sa 5-araw na babasahing gabay na ito, magbibigay ng mga biblikal at praktikal na mga pagkilos si Dr. Tony Evans na maaaring gawin ng iglesia upang mapanumbalik ang ating mga pamayanan.
More