Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagpapanumbalik sa Pamayanan at ang IglesiaHalimbawa

Community Restoration And The Church

ARAW 2 NG 4

Ang Susunod na Henerasyon  

Daan-daang milyong dolyar ang nagagastos taon-taon sa mga programa, pandaigdigang misyon at mga ministeryong nakatuon sa mga may sapat na gulang na samantalang ang pinakahinog na pag-aani ay nasa kabilang kalye sa buhay ng mga kabataang nagnanais na marinig na sila ay mahalaga, may kasanayang taglay at may kinabukasan at pag-asa rin. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang pagtulong sa mga bata ang may pinakamalaking posibleng epekto patungo sa pagtatayo ng kaharian. Kung ganoon, ang iglesia ay dapat magkaroon ng malakas na pagnanasang makipagtulungan sa mga malalapit na paaralan dito.

Gumagana ang ganitong pagtutulungan dahil sa katotohanang ang lahat ng pamayanan ay mayroon nang mga pamilya, paaralan at mga iglesia. Hindi na kailangan pang lumikha ng anumang "bago". Sa halip, gagamitin natin ang mga elementong dati nang umiiral sa pamayanan at pagsasama-samahin ang mga ito na may nilalaman at saklaw ng Ebanghelyo. Sa pamamagitan ng nilalamang Ebanghelyo, ibinabahagi ng iglesia ang mensahe ng kaligtasan sa mga pamilya upang mabago ang kanilang mga pag-iisip at pamumuhay. Sa pamamagitan ng saklaw ng Ebanghelyo, nagbibigay ang iglesia ng mga serbisyong pangpamayanan sa mga mag-aaral at mga pamilyang nangangailangan. Ito ay isang mapanghahawakang pamamaraan upang mapalakas ng iglesia ang pamilya. Hanggang sa antas na ang mga pamilya ay nagiging matatag, ang mga pamayanan ay nagkakaroon ng positibong resulta. Ito ay sa dahilang ang pagkawasak ng pamilya ang nag-iisang pinakamalaking dahilan ng pagbagsak ng lipunan.

Ang mga hindi nakatapos ng haiskul ay kumikita ng humigit-kumulang na $260,000 na mas mababa sa buong buhay nila kaysa sa mga nakapagtapos sa paaralan, at ang mga nagbabayad ng buwis ay gumagastos ng higit sa $8 bilyon taon-taon para sa pagtulong sa kanila. Ang mga hindi nakatapos ng haiskul ay nagpadami sa populasyon sa mga kulungan na ngayon ay nagkakahalaga ng higit sa $52 bilyon sa isang taon. Ang pagbubuntis ng mga menor de edad ay dumadagdag sa $10 bilyong taunang binabayaran sa pampublikong tulong. Ito ay ilan lamang sa mga nakababahalang estadistika, ngunit marami pang iba. Ang punto rito ay kailangan nating tulungan, suportahan at mabigyan ng mga kinakailangan ang ating mga kabataan. Tutal, mas madaling hubugin ang isang bata kaysa ayusin ang isang matanda na.

Ano ang ilang mga paraan kung paanong makikipagtulungan ang iglesia sa paaralan upang makapagbigay ng serbisyo sa pamayanan?

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Community Restoration And The Church

Marami nang mga pag-uusap hinggil sa pagpapanumbalik sa pamayanan. Ang mga tao ay nagtatalo sa iba't-ibang pananaw. Ang ilang mga iglesia ay may mga pangkatang talakayan, at ang iba ay nagkakaroon ng mga kumperensya. Ang ilang mga politiko ay nangangako ng mga bagong panimula. Ngunit ang lahat ba ng ito ay puro salita na lang? May mga mapanghahawakang gawain ba tayong maaaring gawin upang magkaroon ng pagbabago? Sa 5-araw na babasahing gabay na ito, magbibigay ng mga biblikal at praktikal na mga pagkilos si Dr. Tony Evans na maaaring gawin ng iglesia upang mapanumbalik ang ating mga pamayanan.

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/