Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagpapanumbalik sa Pamayanan at ang IglesiaHalimbawa

Community Restoration And The Church

ARAW 1 NG 4

Daluyan  

Hindi natin kailangang lumikha ng mga bagong institusyon upang isakatuparan ang mga posible at pangmatagalang solusyon para sa pagpapanumbalik sa pamayanan. Kailangang lamang nating gamitin kung anong mayroon na tayo. Ang lokal na iglesia ang nariyan na siyang pinakamabuting makinarya kung saan matatagpuan natin ang mga kinakailangang sangkap upang matamo natin ang layunin ng pagpapanumbalik ng lipunan. Dahil marami sa mga problema ng ating pamayanan ay patungkol sa etika at moralidad, ang mga iglesia ang siyang kumakatawang pinakalikas na ahensya ng paglilingkod sa lipunan upang masagot ang mga problemang ito. Ang iglesia ay nagbibigay ng buo, at pangmatagalang solusyon na nakapagpapabago sa kung paanong mag-isip ang mga tao, na siya ring nagpapasya kung paano sila mamuhay. Kung ganoon, ang iglesia ay dapat na kasangkot sa lahat ng aspeto ng buhay sa pamayanan kasama na ang mga paaralan, mga negosyo at ang pamahalaan.

Kaya't bakit hindi tayo nakakakita ng pagbabago sa pamayanan? Isang dahilan ay sapagkat ang mga iglesia ay naging putol na daanan kung saan ang mga katuruan ng Diyos, ang Kanyang mga biyaya at pagpapala ay huminto sa pagdaloy. Ang iglesia ay dinisenyo upang maging daluyan, kung saan ang mga bagay ay magdadaan. Nangangahulugan ito na, habang nagpapakita ang Diyos ng biyaya sa iglesia at nagbibigay ng pagpapala, ang mga iyon ay dapat na dumadaloy sa pamayanan. Ang iglesia ay dapat na kasangkot sa mga lokal na paaralan upang mahikayat ang mga bata at ang mga magulang. Ang iglesia ay dapat na kasangkot sa mga lokal na pagnenegosyo upang maimpluwensyahan ang ekonomiya. Ang iglesia ay dapat na kasangkot sa lokal na pamahalaan upang maimpluwesyahan ang mga patakaran. Kapag ang iglesia ay may mahalagang pagkakasangkot sa mga lugar na ito, ang biyaya ng Diyos ay dadaloy sa pamayanan at magkakaroon ng positibong kahihinatnan. Hindi natin kailangan ng mga bagong programa. Kailangan natin ang iglesiang magsimulang gumawa nang ayon sa nilikhang tungkulin ng Diyos para dito. 

Paanong maiimpluwensyahan ng iyong lokal na iglesia ang mga lokal na paaralan, mga negosyo at ang pamahalaan sa inyong pamayanan?

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Community Restoration And The Church

Marami nang mga pag-uusap hinggil sa pagpapanumbalik sa pamayanan. Ang mga tao ay nagtatalo sa iba't-ibang pananaw. Ang ilang mga iglesia ay may mga pangkatang talakayan, at ang iba ay nagkakaroon ng mga kumperensya. Ang ilang mga politiko ay nangangako ng mga bagong panimula. Ngunit ang lahat ba ng ito ay puro salita na lang? May mga mapanghahawakang gawain ba tayong maaaring gawin upang magkaroon ng pagbabago? Sa 5-araw na babasahing gabay na ito, magbibigay ng mga biblikal at praktikal na mga pagkilos si Dr. Tony Evans na maaaring gawin ng iglesia upang mapanumbalik ang ating mga pamayanan.

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/