Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagpapanumbalik sa Pamayanan at ang IglesiaHalimbawa

Community Restoration And The Church

ARAW 3 NG 4

Sistema sa Paghahatid  

Ang mabilis na sistema ng paghahatid ng Amazon Prime ay ganap na binago ang ecommerce dahil ang mga kalakal ay naipapadala sa mga mamimili nang mas mabilis kaysa dati. Kailangang iposisyon ng iglesia ang sarili nito na maging pangunahing sistema ng paghahatid ng panlipunang paglilingkod sa pamayanan. Habang dinadala ng iglesia ang mga paglilingkod na ito sa mga tao sa pamayanan, nagbibigay ito ng daan para sa pagbabagong-anyo ng pamayanan.

Kasama sa ilang mga paglilingkod na maaaring ibigay ng iglesia ay ang pagpapayo, pagtuturo, pagtuturo ng mga kasanayang ikabubuhay, edukasyon para sa mga magulang, pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa mga may-gulang na, pagsasanay sa pagiging handa sa pagtatrabaho, at pagpapalawak ng ugnayan sa negosyo. Ang mga iglesia ay maaari ring magbigay ng tulong para sa mga pangangailangan ng mga tao sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga food pantry, mga tindahan ng segunda-mano, at pagbibigay ng tulong sa pabahay. Ang mga iglesia ay nagbibigay ng mga pagpapayo at mga programa upang maiwasan ang krisis. Maaari rin silang magbigay ng mga programang gagawin pagkatapos ng klase, summer camps at liga ng mga palaro. Maaari ring magbukas ng mga bahay-kalinga na tutulong sa mga maagang nagbuntis at mga kababaihang pinili ang buhay para sa mga anak nila at tulungan sila sa buong proseso. Kasama na rito ang pagbibigay ng serbisyo medikal, edukasyon sa pangangalaga ng pamilya, pagpapayo at pagbibigay ng mga kailangan ng sanggol tulad ng diapers, pampunas, at mga gamit sa paglilinis ng katawan. 

Bakit kailangan ibigay ng iglesia ang mga serbisyong ito? Dahil ang iglesia ay may natatanging pagkatawag upang maimpluwensyahan ang lipunan para sa kabutihan nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga positibong asal at paniniwala at pagbibigay ng mas mataas na kalidad ng buhay sa kanilang lugar. Ang mga serbisyong ito ay nasusukat. Lahat ng mga iglesia, gaano man ito kalaki, ay maaaring makaapekto sa kanilang pamayanan. Ang mga sakit ng lipunan ay hindi malulutas sa pamamagitan lamang ng mga pagtulong, dahil kadalasan ang ugat ng mga ito ay mula sa espirituwal. Kaya't sa katapusan, ang pagtatatag at pag-aalaga ng mga ugnayan sa pamayanan ay nagsisilbing tulay pabalik sa lokal na iglesia.

Anong mga paglilingkod ang ibinibigay ng inyong iglesia upang mabago ang pamayanang kinaroroonan nito?

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Community Restoration And The Church

Marami nang mga pag-uusap hinggil sa pagpapanumbalik sa pamayanan. Ang mga tao ay nagtatalo sa iba't-ibang pananaw. Ang ilang mga iglesia ay may mga pangkatang talakayan, at ang iba ay nagkakaroon ng mga kumperensya. Ang ilang mga politiko ay nangangako ng mga bagong panimula. Ngunit ang lahat ba ng ito ay puro salita na lang? May mga mapanghahawakang gawain ba tayong maaaring gawin upang magkaroon ng pagbabago? Sa 5-araw na babasahing gabay na ito, magbibigay ng mga biblikal at praktikal na mga pagkilos si Dr. Tony Evans na maaaring gawin ng iglesia upang mapanumbalik ang ating mga pamayanan.

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/