Ang Panalangin ng PanginoonHalimbawa
Pag-iingat
At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa masama
Isinasaalang-alang ng Biblia na tayo ay nasa pakikipaglaban sa kasamaan at ang labang ito ay hindi lamang basta kasama tayo sa paglaban sa ilang uri ng abstraktong mga prinsipyo ng kasamaan, kundi pati na rin ang kasamaan sa personal na anyo. Ang ideya ng ilang mapaminsala, matalinong kapangyarihan ng kasamaan na kumikilos sa mundo ngayon ay isang bagay na kakaunting tao, maliban kung sila ay relihiyoso, ang sumeseryoso. Dahil sa ebidensiya ng kasamaan sa mundo ngayon medyo nakakagulat ito. Marahil may ilang mga kadahilanan para balewalain ito: ang kasamaan kadalasan ay isang karikatura (gunigunihin ang larawan ng nakapulang demonyo na may hawak na tinidor) o inabuso tulad ng mga kalunus-lunos na kaso ng mga pagpapalayas ng demonyo na nagkakamali, o yaong mga nakalakalungkot na pahayag tulad ng ‘inutusan ako ng demonyo na gawin ito’.
Sa katunayan, simulan natin sa kakaibang parirala na iyon masama. Ang mas lumang bersyon ng Panalangin ng Panginoon ay mayroong kaisipan na, tayo ay ‘inililigtas sa masama’ na para bang ito ay isang abstraktong pilosopikal na kalagayan. May pangkalahatang pagkakasundo, gayunpaman, na ang tinutukoy dito ni Jesus ay ang pagpapalaya mula sa masama. Ngayon maraming mga isyu rito at isinasangguni ko sa inyo ang aking aklat sa Panalangin ng Panginoon para sa mas detalyadong saklaw. Gayunman, para maging anumang uri ng matatag na ‘biblikal na Cristiano’ dapat tayong maniwala sa presensya sa mundo ng ilang masamang espirituwal na nilalang, na kailanman ay mas mababa sa Diyos, ngunit ito'y may kakayahang sumalungat sa Kanya at isang malisyoso at makapangyarihang kalaban ng mga mananampalataya. Sa katunayan, sa kalagayan ng mundo, madalas mas madaling maniwala na mayroong demonyo kaysa sa maniwala sa isang mabuting Diyos.
Ang masama na binanggit dito ay isang kinatawan ng tukso. Ito rin ay nangangailangan ng maingat na paghawak. Ang isang panganib ay maisip natin na ang Diyos mismo ang gumagawa ng tukso at na, sa Panalangin ng Panginoon, hinihingi natin sa Diyos na ‘pagaanin ito’. Marahil ang pinakamabuting paraan sa pagtingin sa pariralang ito ay gumawa ng pagkakaiba sa pagitan ng pagsubok at tukso. Ang pagsubok, maging pisikal o espirituwal, ay isang mabuting bagay. Upang makapasa sa isang pagsubok ay isang bagay na nagpapatibay ng loob at nagpapahintulot sa atin na mapagtanto na tayo ay lumago. Gayunman, kung ang Diyos ay gumagamit ng pagsubok upang tayo ay lumago, ang diyablo ay maaring gawin itong tukso upang tayo ay sirain.
Makakatulong na isipin na ang sinasabi ng pariralang ito ay isang bagay na maaaring ilarawan bilang tukso at pagsubok. Mula sa pananaw ng Diyos ang ating tinatanggap ay isang pagsubok upang ipakita ang kalidad ng ating pananampalataya; kung pumasa tayo sa pagsubok, mahihikayat tayo sa palatandaan na ito ng ating paglagong espirituwal. Subalit kung ipinapalagay natin na naririto ang diablo, ang parehong pagsubok ay makikita mula sa ibang pananaw; kung tayo ay mabibigo, ito'y isang hampas sa ating pananampalatayang Cristiano.
Kaya ano ang ipinapanalangin natin dito? Sa madaling salita tayo ay nanalangin na, sa harap ng tukso o pagsubok tayo ay magtatagumpay at hindi babagsak. Tayo ay nananalangin sa Diyos na tulungan tayo na labanan ang mga paghamon ng kasamaan. Hayaang magbigay ako dito ng tatlong mungkahi.
Una, dapat nating kilalanin na bawat araw, sa lahat ng paraan, may mga pagsubok at tukso na dumarating sa atin. Dapat tayong maging handa.
Ikalawa, hindi natin hinaharap ang masama nang walang kakayahan. Binigyan ng Diyos ang Kanyang mga anak ng Banal na Espiritu upang tulungan sila. Ito ay isang pagkilos ng hindi kapani-paniwalang kamangmangan na sumusubok na harapin ang ilang uri ng mabigat na tukso nang hindi sumasangguni doon sa ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga anak upang magtanggol sa kanila.
Ikatlo, ito ay tipikal na taktika ng ‘masama’ na kapag tayo ay bumagsak – at lahat tayo ay bumabagsak paminsan-minsan– sinusubukan niya tayong paniwalain na, sa pagbagsak na ito, tayo ay permanenteng tapos na sa Diyos. Sa katunayan, kung tayo ay tunay na mga anak ng Diyos, bagaman ang ating pagkabigo na makapasa sa pagsubok ay nagdudulot ng kapighatian sa ating Ama sa langit, hindi ito dahilan upang itakwil Niya tayo. Ang ating pagkabigo upang makapasa sa pagsubok ay hindi sumisira sa kalikasan ng ating kaugnayan sa ating Ama sa langit – nanatili tayong Kanyang mga anak – ngunit ito ay nakakasira sa kalidad ng ating kaugnayan sa Kanya.
Tungkol sa Gabay na ito
Samahan si J.John sa isang walong-araw na pag-aaral tungkol sa Panalangin ng Panginoon, na lubhang malalim at kapaki-pakinabang na turo na ibinigay ni Jesus tungkol sa kung paano tayo dapat manalangin.
More