Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Panalangin ng PanginoonHalimbawa

The Lord's Prayer

ARAW 3 NG 8

Papuri

Sambahin nawa ang Iyong pangalan

Ang karamihan sa mga parirala ng Panalangin ng Panginoon ay lubos na malinaw, ngunit ang isang pariralang nangangailangan ng pag-iisip ay ang Sambahin nawa ang iyong pangalanSinasabi ng New Living Translation na 'may your name be kept holy', at ito'y nakakatulong. Maaari ring makatulong na malaman na sa Biblia, ang pag-usapan ang tungkol sa pangalan ng isang tao ay ang pagtukoy sa lahat ng bagay na kung ano sila at ano ang kinakatawan nila. Sa totoo lang, hindi tayo malayo dito sa Ingles kapag sinasabi natin na may isang taong 'kumaladkad ng pangalan ko sa putikan' o ‘maraming pumuri sa pangalan mo sa meeting’.

Ang pagsamba sa pangalan ng Diyos o 'panatilihin itong banal' ay, sa pinakasimple, ang igalang o purihin ang Diyos sa paraang Siya, at ang lahat ng bagay tungkol sa Kanya, ay itinataas natin. Ito ay upang ipaalala sa ating sarili na ang Diyos ay dapat itaas at itaas nang mas mataas pa kaysa sa lahat. Kailangan nating gawin ito dahil mayroong isang uri ng 'espirituwal na kabigatan' na nasa mundo na may posibilidad na hilahin ang lahat pababa, kabilang ang Diyos. Ang paghilang pababa sa Diyos ay maaaring mangyari sa bawat antas. Halimbawa, maaaring may kumpiyansa na sabihin ng isang tao na dahil 'ginagawa nila ang gawain ng Diyos', ang anumang pagpuna sa kanila ay pag-atake sa Diyos. Sa parehong paraan na ipinapalagay ko ang karamihan sa atin ay tatanggihan ang sadyang pagyapak sa bandila ng ating bansa, kaya kailangan nating maging maingat sa paggawa o pagsasabi ng anumang bagay na maaaring makamantsa o magkontamina sa pangalan ng Diyos. Maraming pinsala ang nagawa na sa Cristianismo sa pamamagitan ng mga taong nagpapababa sa pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng paglalakip nito sa mga kaduda-dudang pakikipagsapalaran. 

Mahalagang tandaan na ang Panalangin ng Panginoon ay nagsisimula sa pagtuon sa Panginoon mismo. Sa Sampung Kautusan nakikita natin na ang unang apat na utos ay tungkol sa kung paano tayo nauugnay sa Diyos at ang natitirang anim ay tungkol sa kung paano tayo nauugnay sa mga tao. Ang Panalangin ng Panginoon ay may katulad na pamarisan at isa pang paalala na ang totoong panalangin ay dapat na nakatuon sa Diyos at hindi sa atin. 

Ang pagsisimula ng panalangin sa pamamagitan ng pag-aangat sa Diyos sa papuri at karangalan ay isang mahusay na panimulang paraan, sa maraming kadahilanan:

  • Ang pagpuri sa Diyos ay nagpapaalala sa atin ng katotohanan sa sangkalibutan. Napapalibutan tayo ng lahat ng uri ng mga awtoridad at mga taong nagsasabing sila'y mga panginoon sa lahat ng bagay na nakakaapekto sa atin. Ang purihin ang Diyos ay nagpapaalala sa atin na, anumang pang-araw-araw na mga kagipitan na kinakaharap natin, ang Diyos lamang ang namamahala sa huli.
  • Ang pagpuri sa Diyos ay nagpapaalala sa atin kung sino Siya at, sa pamamagitan ng implikasyon, kung sino tayo. Kahit sa pamamagitan ni Cristo makikilala natin ang Diyos bilang ating perpektong magulang; kapag dumating tayo sa panalangin sa Diyos hindi tayo maaaring umupo sa harap Niya bilang kapantay Niya. Ang papuri ay hindi lamang nagpapataas sa Diyos; sa pamamagitan ng pagpapababa sa atin ay inilalagay tayo sa tamang lugar.
  • Ang pagpuri sa Diyos ay nagbibigay-daan sa atin tamang pagtuon natin. Ang purihin ang ating Ama sa langit sa simula ng ating panalangin ay gawaing nakatuon sa Diyos. Ito ay tulad ng pagtuon ng isang mapa kasama ang compass upang ituro ito sa totoong hilaga. Napakalakas ng ating sariling mga personalidad at alalahanin kaya napakadaling gawing ituon sa ating sarili ang ating panalangin at mabaluktot ang mga sinasabi natin na ang resulta ay tila isang listahan na lamang ng mga bibilhin ang ating panalangin. Kapag hindi natin iniangkla ang ating panalangin sa papuri, palaging may panganib na makikita natin na ang Diyos ay taga-tugon na lamang sa ating panalangin. Lumilikha tayo ng isang idolo kung saan Siya ay isang napakahusay na manggagamot, ang bangko sa langit o ang shopping mall 'sa langit' at isang indibidwal na ang layunin ay hindi hihigit pa kaysa sa pagpapagaling ng ating mga karamdaman, pagdadagdag sa ating kayamanan o pagbibigay sa lahat ng gusto natin. 
  • Ipinapaalala sa atin ng papuri kung sino ang Diyos. Maraming mga Cristiano ang pinabayaan ang Lumang Tipan at ito'y hindi marapat dahil sa mga pahinang iyon inilatag ang mga pundasyon para sa mga ideya ng Bagong Tipan tungkol sa kung sino talaga ang Diyos. Sa Lumang Tipan, nakikita natin ang Diyos bilang Pastol, Hari, Hukom, Manunubos, Banal at iba pa. Ang papuri na nakabatay sa Biblia ay nagbibigay sa atin ng mas mayaman at mas malalim na ideya kung sino ang Diyos.
  • Ang papuri ay nag-aangat sa Diyos at itinataas Siya. Ang lumang tuntunin sa Sunday school ay mahusay at mabuti: 'maliit na Diyos, malalaking problema; malaking Diyos, maliliit na problema'. Ang papuri ay nag-aangat sa Diyos!
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Lord's Prayer

Samahan si J.John sa isang walong-araw na pag-aaral tungkol sa Panalangin ng Panginoon, na lubhang malalim at kapaki-pakinabang na turo na ibinigay ni Jesus tungkol sa kung paano tayo dapat manalangin.

More

Nais naming pasalamatan si J JOHN sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin: https://canonjjohn.com