Ano ang Biblikal na Katarungan?Halimbawa
Walang Halaga ang Salita Lang
Ang lahat ng bahay ay itinatayo sa pundasyon na susuporta o kayang kargahin ang bigat ng lahat ng itatayo sa ibabaw nito. Sinasabi ng Banal na Kasulatan na ang katuwiran at katarungan ang mga pundasyon ng trono ng Diyos. Dito ko kinukuha ang aking depinisyon ng biblikal na katarungan (ang patas at walang-kinikilingang paglalapat ng mga alituntunin ng moral na batas ng Diyos sa lipunan).
Ang katuwiran ang mga pamantayang itinalaga ng Diyos para sa sangkatauhan na inihayag Niya sa Banal na Kasulatan, samantalang ang katarungan ang terminong ginagamit para sa “ano ang tama” o “kung ano ang dapat.” Kapag pinagsama mo ang dalawang ito, ang biblikal na katarungan ay nagiging isang gawa ng paglalapat ng mga alituntunin ng moral na pamantayan ng Diyos sa isa't isa. Sa ibang salita, hindi lang natin dapat pinag-uusapan ang katarungan, dapat natin itong ipinapatupad. Ito ang dahilan kung bakit malinaw tayong inuutusan ng Banal na Kasulatan na “maging makatarungan.”
Ang biblikal na katarungan ay nakaugat sa pagsisikap na matamo ang kapakanan ng mga hindi kayang pangalagaan at protektahan ang kanilang sarili. Bakit? Dahil ganitong mga uri ng tao ang madalas abusuhin at tratuhin nang walang katarungan. Sinasabihan tayo ng Banal na Kasulatan na pangalagaan ang mga biyuda, ulila at mga dayuhan. Mailalapat din ito sa mga grupo ng taong inaasinta para sa sistematikong pang-aapi base sa kanilang lahi. Sa madaling sabi, kailangan nating ipagtanggol at pagsikapang matamo ang kapakanan ng mga pinakawalang laban sa paghihirap na dulot ng kawalan ng katarungan. Inuutos sa atin ng Biblia ang “gumawa...ng mabuti sa lahat ng tao,” kaya't ang katarungan ay sumasaklaw sa kahit sinong tinatrato nang hindi patas. Kaya't pag nakakakita tayo ng mga sitwasyon na hindi tama, ibig sabihin ay salungat sila sa moral na pamantayan ng Diyos, tungkulin natin bilang mga mananampalataya na umaksyon. Hindi maaaring pag-usapan lang natin ang katarungan; kailangan nating gawin ang katarungan. Kaya't sinasabi sa Mikas 6:8 ang, “Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay.” Hindi nito sinasabing pag-usapan natin ang dapat nating maramdaman o hindi nararamdaman patungkol sa katarungan. Sinasabi nitong maging makatarungan sa lahat ng bagay.
Ano ang ilang praktikal na paraan upang "maging makatarungan sa lahat ng bagay” sa iyong buhay?
Umaasa kaming napalakas ang iyong loob ng gabay na ito. Kung nais mo ng higit pa, paki click ang here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nakatuon ang malaking pansin sa terminong katarungan ngayon, at tama lang naman. Ang katarungan ay kritikal sa pag-unlad ng isang lipunan. Ngunit maraming tao ang nagsasawalang-bahala nito dahil hindi nila ito nauunawaan. Gayunpaman, may tamang pananaw sa katarungang panlipunan na naglalayong protektahan ang indibidwal na kalayaan at itaguyod ang personal na pananagutan. Sa 4 na araw na babasahing gabay na ito, sisiyasatin ni Dr. Tony Evans ang tunay na biblikal na katarungan.
More