Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Biblikal na Katarungan?Halimbawa

What is Biblical Justice?

ARAW 3 NG 4

Katarungan at ang Mabuting Balita

Kapag pinag-uusapan ang katarungan, may mga magsasabing mas mababa ang kahalagahan nito. Pakiramdam ng iba, magkahiwalay ang pagbabahagi ng Mabuting Balita at pakikilahok sa trabaho ng biblikal na katarungan. Ang pagsasaalang-alang lang sa walang hangganang destinasyon ang tanging mahalaga, at ang mga problema tulad ng diskriminasyon sa lahi, kahirapan o krimen na umaapekto sa buhay ng tao ay hindi mahalaga. Ang tanging paraan na mapaniniwalaan iyan ng isang tao ay kung hindi nila nauunawaan ang pagkakaroon ng dalawang aspeto ng Mabuting Balita.

Ang nilalaman ng Mabuting Balita ay tumutukoy sa mga paksang nilalaman nito. Ito ay limitado, ibig sabihin na ibinigay na sa atin ng Banal na Kasulatan ang lahat ng bahagi ng Mabuting Balita—ang si Jesus ay namatay para sa ating mga kasalanan, na inilibing Siya, muling nabuhay at nagpakita sa mga saksi. Ang Banal na Kasulatan ay malinaw na ang Mabuting Balita ay naghahatid ng kaligtasan. Ang personal na pananampalataya sa tinapos nang gawa ni Jesus sa krus ang naghahatid ng kapatawaran ng kasalanan, pagtanggap sa atin ng Diyos sa isang relasyon, at buhay na walang hanggan.

Ngunit ang saklaw ng Mabuting Balita ay mas malawak at pumapaloob sa pagpapakabanal, o paglago sa kabanalan. Ang nilalaman ay tumutukoy sa kaligtasan, at ang saklaw nito ay tumutukoy sa pagpapakabanal, o paglago sa kabanalan, ngunit kapwa silang nakadugtong sa Mabuting Balita. Kailangan nating matutunang pag-ukulan ng atensyon ang walang hangganang destinasyon (nilalaman) ng isang tao, pati na rin ang kanilang mga pisikal na problema (saklaw). Kailangan nating ihatid sa kanila ang nilalaman ng Mabuting Balita upang manumbalik ang tao sa relasyon niya sa Diyos, ngunit kailangan din nating isabuhay ang saklaw ng Mabuting Balita upang masaksihan ng mga tao ang ating paglalakad at paglago kasama ng Panginoon. Kailangan nating tularan si Jesus na nagbibigay sa atin ng ganap na halimbawa ng kung paano pag-uukulan ang nilalaman at pati na rin ang saklaw ng Mabuting Balita. 

Paano ipinakita ni Jesus ang isang balanseng pamamaraan sa pagitan ng pagbabahagi ng Mabuting Balita habang pinagtutuunan ng atensyon ang saklaw ng Mabuting Balita?

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

What is Biblical Justice?

Nakatuon ang malaking pansin sa terminong katarungan ngayon, at tama lang naman. Ang katarungan ay kritikal sa pag-unlad ng isang lipunan. Ngunit maraming tao ang nagsasawalang-bahala nito dahil hindi nila ito nauunawaan. Gayunpaman, may tamang pananaw sa katarungang panlipunan na naglalayong protektahan ang indibidwal na kalayaan at itaguyod ang personal na pananagutan. Sa 4 na araw na babasahing gabay na ito, sisiyasatin ni Dr. Tony Evans ang tunay na biblikal na katarungan.

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya