Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano ang Biblikal na Katarungan?Halimbawa

What is Biblical Justice?

ARAW 2 NG 4

Katarungan at Kalayaan

Taliwas sa nararamdaman ng ilan, ang layunin ng Biblikal na katarungan ay kalayaan. Ang kalayaan ay maaaring tukuyin na pagpapalaya mula sa hindi-makatarungang pagkakabihag upang magawa ang pagpiling gampanan ang pananagutan na linangin nang ganap at mapakinabangan nang lubos ang lahat sa pagkakalikha sa iyo. Hinihimok ng Biblikal na katarungan ang kalayaan sa pamamagitan ng pagkatig nito sa pananagutan, pagkakapantay-pantay, at responsibilidad sa pamamagitan ng pagdudugtong ng espirituwal at panlipunang mga aspeto. Sa madaling sabi, ang kalayaan at biblikal na katarungan ay kailangang nakatatag sa espirituwal na katotohanan mula sa ating bertikal na relasyon sa Diyos at naihahayag sa ating pahalang na relasyon sa isa't-isa. Sa madaling salita, ang biblikal na katarungan ay lubos na patungkol sa pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa. 

Idinidugtong ni Jesus ang saloobin natin sa Diyos (ang espirituwal) sa saloobin natin sa kapwa (ang panlipunan). Ang pagmamahal ay hindi lang damdamin, bagkus, isang gawa. Ang pagmamahal ay ang may-habag at makatuwirang pagsisikap na matamo ang kapakanan ng iba. At dahil ang pagmamahal sa iba ay ang pagsisikap na matamo ang pinakamabuti para sa kanila, dapat nating hangarin mapalaya ang sinumang tao mula sa pang-aapi at kawalan ng katarungan. Nakikita natin ito sa panlupang ministeryo ni Jesus. Ipinangaral Niya ang kaharian (ang espirituwal), ngunit inaksyunan din Niya ang mga pisikal na pangangailangan ng mga tao (ang panlipunan).

Habang ipinaglalaban natin ang biblikal na katarungan at kalayaan, kailangan natin ang balanseng pamamaraan. Kailangan nating labanan ang kasalanan at ipangaral ang magandang balita. Ngunit mahalaga rin, na manindigan tayo laban sa mga sitwasyong may kawalan ng katarungan, sila man ay may kinalaman sa lahi, lipunan at ekonomiya, politika o krimen. Kung binago ng magandang balita ang iyong buhay, purihin ang Diyos. Kung matiwasay ang buhay mo at pinagpapala ka ng Diyos, purihin ang Diyos. Ngunit unawain, hindi tayo pinagkakalooban ng Diyos ng kalayaan para lang sa ating sarili. Nais tayong gamitin ng Diyos upang makamtan din ng iba ang kalayaan. Dito pumapasok ang biblikal na katarungan, at ito ang dahilang sinasabihan tayo ng Diyos na ipaglaban ang mahihina, magsalita para sa mga walang boses, at ipagtanggol ang mga karapatan ng mga inaapi at hindi pinapahalagahan.

Paanong magkarugtong ang pagmamahal mo sa Diyos at pagmamahal mo sa kapwa? 

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

What is Biblical Justice?

Nakatuon ang malaking pansin sa terminong katarungan ngayon, at tama lang naman. Ang katarungan ay kritikal sa pag-unlad ng isang lipunan. Ngunit maraming tao ang nagsasawalang-bahala nito dahil hindi nila ito nauunawaan. Gayunpaman, may tamang pananaw sa katarungang panlipunan na naglalayong protektahan ang indibidwal na kalayaan at itaguyod ang personal na pananagutan. Sa 4 na araw na babasahing gabay na ito, sisiyasatin ni Dr. Tony Evans ang tunay na biblikal na katarungan.

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/