Ano ang Biblikal na Katarungan?Halimbawa
Ano ang Katarungan?
Napakalaki ng kinalaman ng mga relasyon sa buhay. Madalas, ang mga alitan sa mga relasyon ay nangyayari dahil sa hindi pagkakaunawaan. Ganito nakikita ng isang tao ang isang sitwasyon, ngunit ang ibang tao naman ay iba ang pagkakaunawa. Hindi maunawaan ng bawat isa kung bakit hindi makita ng kabilang partido ang sitwasyon nang tulad niya, at minsan nagiging malaking pagtatalo ang mga sitwasyong ito. Ang problema ay dahil sa ilang pagkakataon magkaiba ang pagtingin natin sa mga sitwasyon dahil iba tayo mag-isip kaysa sa ibang tao.
Ang katarungan ay isa sa mga sitwasyong may maling pagkakaunawa. Partikular na, ang katarungang panlipunan ay naging isang kumplikadong termino na nangangahulugan ng iba't ibang bagay sa iba't-ibang tao. Popular itong ginagamit na termino para sa mga hindi makatarungang gawain ng gobyerno na pangangasiwa at pagbabago ng alokasyon ng kayamanan at pagpapalawak ng pamahalaang sibil. Ang pananaw na ito ng panlipunang katarungan ay pagkakaila ng tunay na katarungan. Halimbawa, ang biblikal na kautusang “Huwag kang magnanakaw” ay sumasaklaw sa pagnanakaw na kinakatigan ng gobyerno sa pamamagitan ng ipinapatupad ng gobyerno na pangangasiwa at pagbabago ng alokasyon ng kayamanan at ilegal na pagbubuwis.
Ito ang dahilan kung bakit ginagamit ko ang terminong “biblikal na katarungan.” Ang biblikal na katarungan ay naglalayong protektahan ang indibidwal na kalayaan habang itinataguyod ang personal na pananagutan. Ito ang patas at walang-kinikilingang paglalapat ng mga alituntunin ng moral na batas ng Diyos sa lipunan. Walang malinaw at tamang depinisyon ng katarungan na hindi kasama ang Diyos. Kaya't upang maunawaan ang katarungan, kailangan nating pumunta sa Salita ng Diyos. Kinukundena ng Biblia ang kawalan ng katarungan dahil ang Diyos ay makatarungan. Bilang pinakadakilang tagapagbigay ng batas, malakas Niyang tinututulan ang kawalan ng katarungan. Ang mga batas Niya ay makatarungan, patas at walang kinikilingan at kailangang ilapat nang walang kinikilingan dahil kinikilala ng katarungan ang moral na pamantayang ginagamit ng Diyos na panukat sa asal ng tao.
Kaya't pinakamahalaga sa Biblikal na katarungan ay ang walang-kinikilingang paglalapat ng moral na batas ng Diyos sa lahat ng aspeto ng lipunan saklaw ang pang-ekonomiya, politikal, panlipunan o pang-kriminal na katarungan. Kahit na anong ibang depinisyon ng katarungan ay hindi sasapat.
Ano ang pumapasok sa isip mo kapag narininig ang terminong “katarungang panlipunan”?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nakatuon ang malaking pansin sa terminong katarungan ngayon, at tama lang naman. Ang katarungan ay kritikal sa pag-unlad ng isang lipunan. Ngunit maraming tao ang nagsasawalang-bahala nito dahil hindi nila ito nauunawaan. Gayunpaman, may tamang pananaw sa katarungang panlipunan na naglalayong protektahan ang indibidwal na kalayaan at itaguyod ang personal na pananagutan. Sa 4 na araw na babasahing gabay na ito, sisiyasatin ni Dr. Tony Evans ang tunay na biblikal na katarungan.
More