Ang Kapangyarihan ng PagkakaisaHalimbawa
Ang Kapangyarihan ng Pagkakaisa
Kapag may pinupuntahan ka upang makinig ng orkestra, ang pinakaunang mga nota na iyong maririnig ay napakagulo habang ang bawat isang tutugtog ay inihahanda ang kanilang instrumento. Ang tutugtog ng biyolin ay may tonong pinapatugtog. Ang manunugtog naman ng oboe ay may kanya ring tono. At ang resulta ay napakaingay. Ngunit kapag ang tagakumpas ay umakyat na sa entablado, lahat ng musikero ay magpapasailalaim sa kanyang pamamahala, at napakagandang musika ang resulta.
Sa madaling salita, may lakas sa pagkakaisa. May kapangyarihan sa pagkakaisa, at ang pagkakaisa ay lumuluwalhati sa Diyos nang walang katulad. Ang aklat ni Juan ay nagtala ng pinakamahabang panalangin ni Jesus na naisulat sa Biblia. Ang pangunahing tema ng panalangin ay ang pagkakaisa ng bayan ng Diyos, na nagpapahiwatig ng kapangyarihan at kahalagahan ng pagkakaisa. Si Jesus ay nanalangin para sa mga mananampalataya, na sa lahat ng oras, ay magkaisa. Kapag ang mga mananampalataya ay nagsasama-sama na may iisang layunin, maaari nating baguhin ang mundo. Kailangan nating sama-samang gumawa anuman ang lahi, kultura at hangganang panlipunan at ekonomiya upang mapalaganap ang pag-ibig at pag-asa ni Jesu-Cristo sa isang naghihingalong sanlibutan.
Dahil ang pagkakaisa ay napakahalaga kay Jesus, nararapat lamang na ito ay maging mahalaga rin sa atin. Maglaan ng ilang sandali ngayon upang ipanalangin ang pagkakaisa sa inyong lugar: sa iyong personal na buhay, sa iyong pamilya, sa iyong iglesia at sa iyong pamayanan.
Nawa'y nabigyan kayo ng lakas ng loob ng gabay na ito. Para sa dagdag na kaalaman, i-click ang dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming tao ang kuntento na sa pagpaparaya sa lahi sa halip na pagkakaisa. Pagbibigyan natin ang magkakaibang lahi. Marahil ay dadalo pa nga tayo sa mga pagtitipon-tipon bilang suporta sa mga lahi. Ngunit kapag tapos na ang kaganapan, naghihiwa-hiwalay na tayo. Nagpapakita ito sa atin na higit pa sa ngiti, pakikipagkamay at pagbati ng "hello" ang kailangan upang mapagtagumpayan ang agwat sa mga lahi. Sa 4-na araw na babasahing gabay na ito, dadalhin ka ni Dr. Evans sa isang paglalakbay patungo sa pagkakaisa na naaayon sa Biblia.
More