Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kapangyarihan ng PagkakaisaHalimbawa

The Power of Unity

ARAW 3 NG 4

Ang Pumapatay sa Pagkakaisa

Sa kanyang sariling talambuhay, nagsalita si Mahatma Gandhi tungkol sa kanyang pagkamangha sa mga turo ni Jesu-Cristo noong siya ay nasa kolehiyo. Noong panahong iyon, ang India ay nasa ilalim ng sistemang caste. Ang ibig sabihin nito, kung saan mang uring panlipunan ka kabilang noong ikaw ay ipinanganak, mayaman man o mahirap, doon ka na mananatili. Ang sistemang ito ay naghihiwalay ng mga tao at ikinukulong sila sa kanilang katayuan. Ngunit nang marinig niya ang mga katuruan ni Jesus, naisip niyang maaaring ang Cristianismo ang sagot sa sistemang caste ng India. 

Pumunta siya sa isang simbahang Cristiano upang makinig pa ng higit na katuruan ni Jesus. Ngunit nang pumunta siya sa simbahan, isang tagahatid ang nagsabi, "Hindi ka maaaring sumamba rito. Kailangan mong sumamba doon sa kasama mo ang mga kauri mo." Lumabas si Gandhi at hindi na muling dumalo sa isang simbahang Cristiano. Inisip niya na kung may sistemang caste sa Cristianismo, ayaw na niyang maging Cristiano. 

Sa kaibuturan ng kuwentong iyon ay ang kasalanan ng elitismo. Ang elitismo ay ang pag-iisip ng pagiging nakahihigit na nagtataas sa ibang tao habang hinahamak ang iba. Ito ay isang kaisipan na gumagamit ng pamantayang wala sa katuwiran na siyang ginagamit upang husgahan ang mga tao. Hinahatulan nito ang mga tao ayon sa maling pagpapasya at hindi makadiyos na pananaw, at ginagawang mas mataas ang iba, habang pinakikitunguhan ang iba nang mas mababa. Gumagawa ito ng hindi makatuwirang pag-iiba sa mga tao ayon sa kanilang lahi, klase o kultura. Ang elitismo ay laging sisikil sa pagkakaisa ng mga mananampalataya kay Cristo. Sa halip, kailangan nating tanggalin ang elitismo sa pamamagitan ng pag-ibig. Dapat nating mahalin ang ibang tao, anuman ang kanilang lahi, kultura o uri, at dapat nating isaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan bilang mas mahalaga kaysa sa atin.

Ano ang mga pamamaraan kung paano mong maipapakita ang pagmamahal sa mga taong naiiba sa iyo?

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Power of Unity

Maraming tao ang kuntento na sa pagpaparaya sa lahi sa halip na pagkakaisa. Pagbibigyan natin ang magkakaibang lahi. Marahil ay dadalo pa nga tayo sa mga pagtitipon-tipon bilang suporta sa mga lahi. Ngunit kapag tapos na ang kaganapan, naghihiwa-hiwalay na tayo. Nagpapakita ito sa atin na higit pa sa ngiti, pakikipagkamay at pagbati ng "hello" ang kailangan upang mapagtagumpayan ang agwat sa mga lahi. Sa 4-na araw na babasahing gabay na ito, dadalhin ka ni Dr. Evans sa isang paglalakbay patungo sa pagkakaisa na naaayon sa Biblia.

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/