Ang Kapangyarihan ng PagkakaisaHalimbawa
Ang "Epitome"
Ang kahulugan ng "epitome" ay isang tipikal o perpektong halimbawa. Ang totoo, ito ay ang ganap na halimbawa, isang paglalarawan o kapahayagan ng isang bagay. Anong naiisip mo kapag narinig mo ang sumusunod na tanong: "Ano ang "epitome" (halimbawa) ng pagkakaisa?" Anong pumapasok sa isipan mo?
Marami tayong maiisip na halimbawa ng pagkakaisa, ngunit ang mga ito ba ay talagang ganap? Sila ba ay perpekto? Nasisigurado kong ang marami sa kanila ay may kapintasan at mga pagkukulang. Gayunpaman, nakikita natin ang perpektong halimbawa ng pagkakaisa sa Trinidad. Ang Trinidad ay tumutukoy sa Diyos ng walang hanggang umiiral sa tatlong magkakaibang katauhan: Ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Ang tatlong katauhang ito ay pantay-pantay na Diyos. Subalit, ang bawat isang katauhan ay may naiibang papel o tungkulin sa pagka-Diyos, at ang tatlo ay umiiral sa isang ganap na samahan at pamayanan. Subalit, walang tatlong magkakahiwalay na Diyos, kundi Isa lamang. Kaya naman, ang Trinidad ay ganap na nagkakaisa.
Makikita mo rito, ang pagkakaisa ay nagtatatag ng pagkakaisa na hindi nagwawalang-bahala sa pagiging isang indibidwal. Tandaan mo, ang bawat isang miyembro ng Trinidad ay may hiwa-hiwalay na papel. Ang Diyos, sa Kanyang walang hanggang karunungan, ay itinulad ang katotohanang ito sa Kanyang nilikha. Ang disenyo ng Diyos ay ang magkaroon ng pagkakaiba ang mga tao, na makikita sa iba't-ibang lahi, kulay, hugis at uri. Ang bawat lahi ay natatangi at may natatanging katangian. Gayunman, ang hangad ng Diyos ay ang yakapin ng Kanyang nilalang ang kanilang kaibahan habang pinananatili ang pagkakaisa bilang mga Cristiano. Nais Niyang sundin natin ang Kanyang ganap na halimbawa.
Paano mong gagawing huwaran sa iyong buhay ang halimbawa ng Diyos patungkol sa pagkakaisa?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maraming tao ang kuntento na sa pagpaparaya sa lahi sa halip na pagkakaisa. Pagbibigyan natin ang magkakaibang lahi. Marahil ay dadalo pa nga tayo sa mga pagtitipon-tipon bilang suporta sa mga lahi. Ngunit kapag tapos na ang kaganapan, naghihiwa-hiwalay na tayo. Nagpapakita ito sa atin na higit pa sa ngiti, pakikipagkamay at pagbati ng "hello" ang kailangan upang mapagtagumpayan ang agwat sa mga lahi. Sa 4-na araw na babasahing gabay na ito, dadalhin ka ni Dr. Evans sa isang paglalakbay patungo sa pagkakaisa na naaayon sa Biblia.
More