Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kapangyarihan ng PagkakaisaHalimbawa

The Power of Unity

ARAW 1 NG 4

Ano ang Pagkakaisa?

Narinig na nating lahat ang pariralang hatiin at sakupin. Sa isang digmaan, ang estratehiyang ito ay pumupuwersa sa kaaway na hatiin ang kanilang depensa at maiiwan silang mahina sa laban. Ginagamit rin ni Satanas ang taktikang ito laban sa mga mananampalataya. Sinisikap niyang maghati-hati at manakop dahil batid niyang ang isang iglesiang hindi nagkakaisa ay mahina. 

Ngunit ano ba ang pagkakaisa? Sa kasamaang palad, marami ang nag-iisip na ang ibig sabihin ng pagkakaisa ay "pagkakapare-pareho." Hindi ito ang totoo. Ang pagkakaisa ay hindi pagkakapare-pareho. Sa halip, ang pagkakaisa ay maaaring ipakahulugan bilang isang grupo ng mga taong kakikitaan ng iisang layunin, pagtingin o direksyon. Hindi ito tungkol sa pagiging eksaktong magkapareho, kundi ito ay patungkol sa pagsulong tungo sa iisang layunin. Isipin mo ang isang koponan ng larong football. Iba't-iba ang posisyon nila sa laro. Ang bawat posisyon ay may magkakaibang kakayahan, papel na ginagampanan at responsibilidad. Ngunit ang lahat ng mga manlalaro sa koponan ay patungo sa iisang dulo dahil ang layunin nila ay magkakapareho.

Dapat nating mapagtantong ang iba't-ibang lahi ay talagang bahagi na ng plano ng Diyos, ngunit ang plano ng Diyos ay may kasama ring paraan upang makalikha ng pagkakaisa sa iba't-ibang mga lahi. Ang sentro ng planong iyon ay si Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ni Cristo, ang magkakahiwalay na grupo ayon sa kanilang lahi ay nagkakasundo sa iisang katawan, ang iglesia. Ang iglesia ay ang lugar kung saan ang lahat ng pagkakaiba ay hindi na dapat nagiging dahilan ng pagkakahati dahil sa ating pakikipagkaisa kay Cristo. Ang iisang layunin natin ay ang maisulong ang kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Kapag ang mga mananampalataya, mula sa bawat lahi, ay nagsasama-sama at gumagawa ayon sa sinasabing pagkakaisa sa Biblia, hindi na tayo magkakahati-hati o magagapi. Magiging matagumpay tayo. 

Paanong sabay na iiral ang pagkakaisa at ang pagiging natatangi sa isang iglesia?

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Power of Unity

Maraming tao ang kuntento na sa pagpaparaya sa lahi sa halip na pagkakaisa. Pagbibigyan natin ang magkakaibang lahi. Marahil ay dadalo pa nga tayo sa mga pagtitipon-tipon bilang suporta sa mga lahi. Ngunit kapag tapos na ang kaganapan, naghihiwa-hiwalay na tayo. Nagpapakita ito sa atin na higit pa sa ngiti, pakikipagkamay at pagbati ng "hello" ang kailangan upang mapagtagumpayan ang agwat sa mga lahi. Sa 4-na araw na babasahing gabay na ito, dadalhin ka ni Dr. Evans sa isang paglalakbay patungo sa pagkakaisa na naaayon sa Biblia.

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/