Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buhay na Pag-asa: Ang Pagbibilang Tungo sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

Living Hope: A Countdown to Easter

ARAW 2 NG 3

"Huwag kang masiraan ng loob." 

Walang gaanong sinasabi ang Biblia sa atin tungkol sa panahon sa pagitan ng kamatayan ni Jesus at sa Kanyang muling pagkabuhay. Ngunit, batid nating ito ay nangyari sa pagdiriwang ng Paskwa: isang-linggong pagdiriwang na inaalala ang pagpapalaya ng Diyos sa mga Israelita mula sa pagkaalipin. 

Habang nagdiriwang, ang mga Israelita ay nagbabahagi ng kanilang pagkain sa isa't-isa at nagsasakripisyo ng mga tupang walang kapintasan sa templo bago maghanda para magpahinga sa Araw ng Pamamahinga. Isang araw bago ang Araw ng Pamamahinga nang ang katawan ni Jesus ay inilagay sa nitso. 

Isiping ikaw ay isang alagad ni Jesus nang ito ay nangyari. Hindi lamang isa sa iyong pinakamatalik na kaibigan ang pinatay nang hindi nararapat, kundi hindi mo rin siya maaaring ipagdalamhati hanggang matapos ang araw ng pamamahinga. 

Ang hindi napagtanto ng mga alagad nang oras na iyon ay ang sakit na kanilang nararanasan ay bahagi ng isang mas malawak na kasaysayan—ng isang plano upang tubusin tayong lahat. Nakikita ng Diyos ang darating na muling pagkabuhay, kahit na hindi ito nakikita ng mga alagad. 

Ang pahinga ay nagpapaalala sa atin na ang Diyos ay Panginoon sa lahat ng sitwasyon. At ang pahinga ay nakakatulong sa atin upang muling tumuon sa pinakamahalaga: ang Nag-iisang nangangakong ibibigay lahat ng ating pangangailangan. Kapag pinipili nating maging tahimik sa gitna ng kahirapan, pinipili nating sambahin ang Diyos. 

Kaya't anuman ang nangyayari sa iyong kapaligiran ngayon, piliing mamahinga sa Diyos—kahit na pinipili ng mundong nakapaligid sa iyo na mag-alala. Walang imposible sa Kanya.

Manalangin: Jesus, sa araw na ito, tulungan mo akong magkaroon ng kapahingahan sa Iyo. Batid kong mas malaki Ka sa anumang nangyayari sa paligid ko. Ang pag-asa ko ay nasa Iyo lamang dahil Ikaw ang aking kaligtasan. Naniniwala akong sinagot Mo na ang sigaw ng aking puso, kahit na naghihintay pa akong makita ang mga kasagutan. Kaya't sa araw na ito, pinipili kong ituon ang aking mga mata sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Living Hope: A Countdown to Easter

Kapag napapalibutan ka ng kadiliman, paano kang tumutugon? Sa susunod na 3 araw, puspusin ang sarili sa kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay at tuklasin kung paanong manghahawakan sa pag-asa kapag pakiramdam mo ay pinabayaan ka, nag-iisa, o hindi karapat-dapat.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.