May isang lalaki roon na ang pangala'y Jose. Siya'y taga-Arimatea, isang bayan sa Judea. Mabait at matuwid ang taong ito, at isa siya sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos. Kahit na siya'y kagawad ng Sanedrin, hindi siya sang-ayon sa kanilang ginawa kay Jesus. Nagpunta siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. Ibinabâ niya ang bangkay, binalot sa telang mamahalin at inilagay sa isang libingang inuka sa bato na hindi pa napaglilibingan. Araw noon ng Paghahanda at magsisimula na ang Araw ng Pamamahinga. Sumama kay Jose ang mga babaing sumunod kay Jesus mula pa sa Galilea. Nakita nila ang libingan at ang pagkakalagay doon ng bangkay ni Jesus. Pagkatapos, umuwi sila at naghanda ng mga pabango at mira. Dahil sumapit na ang Araw ng Pamamahinga, nangilin sila ayon sa itinakda ng Kautusan.
Basahin Lucas 23
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 23:50-56
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas