Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 23:50-56

Lucas 23:50-56 ASD

May isang lalaki roon na ang pangalan ay Jose. Siya ay taga-Arimatea na sakop ng Judea. Kahit na miyembro siya ng Sanhedrin, hindi niya sinang-ayunan ang kanilang ginawa kay Hesus. Mabuting tao siya, matuwid at kabilang sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos. Pumunta si Jose kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. Ibinaba niya ang bangkay sa krus at binalot ng telang lino. Pagkatapos, inilagay niya ito sa libingang inukit sa gilid ng burol, na hindi pa napaglilibingan. Biyernes noon at araw ng paghahanda para sa Araw ng Pamamahinga. Sinundan si Jose ng mga babaeng sumáma kay Hesus mula sa Galilea. Nakita nila ang libingan at kung paano inilagay ang bangkay ni Hesus. Pagkatapos, umuwi sila at naghanda ng sari-saring pabango na ipapahid sa bangkay ni Hesus. At nang magsimula na ang Araw ng Pamamahinga, nagpahinga sila, ayon sa Kautusan.