Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pananampalataya sa Halip na Takot sa PandemyaHalimbawa

Faith Instead of Fear in The Pandemic

ARAW 5 NG 5

Ang Kapangyarihan ng Panalangin

Kapag napapalibutan tayo ng takot, alalahanin nating manalangin! Napakadaling makalimutan ng napakahalagang bahaging ito ng ating relasyon kay Jesus. 

Kapag tayo ay nasasangkot sa mga pagsubok, balakid at mahihirap na sitwasyon, pinipilit nating labanan ito sa sarili nating kakayahan. Ngunit nasa panig natin si Jesus. Ang panalangin ay isang mahalagang bahagi sa ating pananampalataya at ito ay makakabawas sa ating takot! Sa debosyonal ngayong araw na ito, nais kong hikayatin kang manalangin laban sa takot.  

MGA TANONG SA PAGPAPAMUHAY 

  • Ano ang karaniwang gawi mo sa pananalangin? Ang manalangin sa panahon ng kaguluhan … o ang manalangin sa mabuti at masamang panahon? 
  • Bakit kaya ganoon? 
  • Paano ka tumutugon – sa harap ng mapaminsalang coronavirus na ito, sa harap ng kasamaang maaaring idulot nito sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay – sa paniniwalang ang tanging uri ng panalangin na itinuturo ng Biblia ay patungkol sa uring may makapangyarihang resulta? 
  • Sumandaling buksan ang iyong Biblia at basahin ang Mga Hebreo 4:14-16. Anong sinasabi sa iyo ng Diyos? Bakit dapat mo Siyang paniwalaan? 
  • Magtakda ng panahon – tahimik at hindi nagmamadaling panahon – upang manalangin sa Diyos; lumapit nang may kalakasan ng loob sa Kanyang trono ng biyaya, manatili sa Kanyang presensya, hayaang puspusin ka Niya ng Kanyang pagtitiwala at ng Kanyang pag-ibig.    


Makakakuha ka ng higit pang SARIWANG inspirasyon mula sa Salita ng Diyos bawat araw na ipadadala sa iyong inbox!  


Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Faith Instead of Fear in The Pandemic

Sa panahong takot ang bumabalot sa puso ng marami – maging ang mga puso ng mga naniniwala kay Jesus – panahon na upang manindigan. Panahon na upang maging matapang sa ating pananampalataya, pagliwanagin ang ilaw ng pag-ibig ni Jesus sa puso ng mga taong nakapaligid sa atin. Samahan si Berni Dymet ng Christianityworks habang ibinubukas niya ang Salita ng Diyos upang pahintulutan ang Espiritu Santong hingahan ka ng tahimik na pagtitiwala.

More

Nais naming pasalamatan ang Christianityworks sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://christianityworks.com/