Pananampalataya sa Halip na Takot sa PandemyaHalimbawa
Huwag Matakot
Kapag lahat ng naririnig mo ay kung gaano kasama na ang mga bagay-bagay, mahirap na hindi ka matakot. Ngunit, sinasabi ng Biblia na ang Diyos ang namamahala at dapat na manampalataya sa Kanya. Hangad kong sa pakikinig mo sa debosyonal para sa araw na ito, mahihikayat kang mabuhay nang may buong tiwala at pananalig na ang Panginoon ay kasama mo sa napakahirap na panahong ito.
MGA TANONG SA PAGPAPAMUHAY
- Sandaling magbalik-tanaw at pag-isipan kung paano mo hinaharap ang pandemya ng coronavirus?
- Sa sukatan na 0 hanggang 10, paano kagaling mo itong nahaharap (0 = matinding pagkataranta … 10 = ganap na kapayapaan at pagtitiwala)
- Ano ang mga bagay, sa partikular, na inaalala mo?
- Basahin ang Mga Awit 34 …itala ang 3 pinakamahahalagang pangako na narinig mong sinasabi ng Diyos sa iyong puso sa pamamagitan ng Kanyang Salita?
- Maglaan ng panahon upang ipanalangin ang iyong mga partikular na problema.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa panahong takot ang bumabalot sa puso ng marami – maging ang mga puso ng mga naniniwala kay Jesus – panahon na upang manindigan. Panahon na upang maging matapang sa ating pananampalataya, pagliwanagin ang ilaw ng pag-ibig ni Jesus sa puso ng mga taong nakapaligid sa atin. Samahan si Berni Dymet ng Christianityworks habang ibinubukas niya ang Salita ng Diyos upang pahintulutan ang Espiritu Santong hingahan ka ng tahimik na pagtitiwala.
More