Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pananampalataya sa Halip na Takot sa PandemyaHalimbawa

Faith Instead of Fear in The Pandemic

ARAW 4 NG 5

Maaapektuhan Ba Ako Nito?

Kapag dumarating ang mga unos, ang pinaka-karaniwang reaksyon ay ang mag-isip kung paano ito makakaapekto sa atin. Mahalagang alalahanin na hindi tayo nag-iisa, kundi kasama natin si Jesus na nasa bangka sa gitna ng bagyo! Nais kong palakasin ang loob mo sa gitna ng bagyo na maaari kang humakbang ayon sa pananampalataya. 

MGA TANONG SA PAGPAPAMUHAY 

  • Maging lubos na tapat sa iyong sarili – gaano kalaki ang iyong pansariling interes, ang iyong likas na pangangalaga sa sarili, na pinangingibabawan ang iniisip mo sa sandaling ito? 
  • Paano mo maiuugnay ang sarili mo sa larawan ng mga Alagad (na kakikita lang sa pagpapakain ni Jesus sa 5,000) na nagsisiksikan sa bangka dahil sa takot nila para sa buhay nila? 
  • Anong ibig sabihin para sa iyo, na sa gitna ng bagyong ito, si Jesus ay naglalakad palapit sa iyo sa napakaalong karagatan? 
  • Muli, maging ganap na totoo sa iyong sarili, nakakaugnay ka ba nang mas higit kay Pablo na lumabas ng bangka sa gitna ng bagyo, o sa labing-isang mga Alagad? 
  • Mag-ukol ng panahon sa pananalangin upang hilingin sa Diyos na bigyan ka ng tapang na humakbang palabas ng bangka ayon sa pananampalataya sa gitna ng pandemya.   

 

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Faith Instead of Fear in The Pandemic

Sa panahong takot ang bumabalot sa puso ng marami – maging ang mga puso ng mga naniniwala kay Jesus – panahon na upang manindigan. Panahon na upang maging matapang sa ating pananampalataya, pagliwanagin ang ilaw ng pag-ibig ni Jesus sa puso ng mga taong nakapaligid sa atin. Samahan si Berni Dymet ng Christianityworks habang ibinubukas niya ang Salita ng Diyos upang pahintulutan ang Espiritu Santong hingahan ka ng tahimik na pagtitiwala.

More

Nais naming pasalamatan ang Christianityworks sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://christianityworks.com/