Pananampalataya sa Halip na Takot sa PandemyaHalimbawa
Ang Malaking Pagsasara
Bawat isa ay iba't-iba ang paraan kung paanong hinaharap ang takot. Iba't-iba ang paraan ng pagtugon ng mga tao na maaaring makapagdulot ng pagkabalisa o maging dahilan ng pagkabahala. Maaaring umatras tayo, huminto, lumayo at ihiwalay ang mga sarili natin mula sa naturang sitwasyon.
Subalit, batid ng Diyos na haharapin mo ang sitwasyong ito simula pa lang ng araw na ikaw ay isilang … maging bago pa iyon! Tandaan, ang Diyos ay lagi mong kasama sa mahihirap na panahon. Nais kong hikayatin ka sa debosyonal mo sa araw na ito na maaari ka ring manghikayat sa mga taong nasa paligid mo na pinaglalabanan ang takot.
MGA TANONG SA PAGPAPAMUHAY
- Ilarawan ang mukha ng mga taong nasa paligid mo na nangangailangan ng panghihikayat at ng pagtitiwala sa gitna ng pandemya.
- Ang pagkilos mo ba ay nakapaghihikayat sa kanila, o unti-unting nawawala ang kanilang tiwala sa Diyos?
- Buksan ang iyong Biblia at basahin ang Mga Kawikaan 14:26-27. Anong sinasabi sa iyo ng Diyos patungkol sa kung paano ka magkakaroon ng pagtitiwala?
- Kung ganoon ang pamumuhay mo, ano sa palagay mo ang makikita ng mga tao sa iyo?
- Anong mga partikular na pagkakataon ang mayroon ka upang ibahagi ang pag-asa mo kay Jesu-Cristo sa mga taong nasa paligid mo?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa panahong takot ang bumabalot sa puso ng marami – maging ang mga puso ng mga naniniwala kay Jesus – panahon na upang manindigan. Panahon na upang maging matapang sa ating pananampalataya, pagliwanagin ang ilaw ng pag-ibig ni Jesus sa puso ng mga taong nakapaligid sa atin. Samahan si Berni Dymet ng Christianityworks habang ibinubukas niya ang Salita ng Diyos upang pahintulutan ang Espiritu Santong hingahan ka ng tahimik na pagtitiwala.
More