Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Natatakot: Paano Tumutugon ang mga Cristiano sa KrisisHalimbawa

Not Afraid: How Christians Can Respond to Crises

ARAW 4 NG 5

Pinagliliwanag natin ang ilaw, hindi natin ito itinatago. 

Sa panahon ng biglang pangangailangan, madalas nating natutuklasan na ang pagkataranta ay madaling makahawa. Ngunit ang mabuting balita ay ang mensahe ni Jesus ay higit na nakakahawa kaysa anumang pagkatarantang kinakaharap natin. Kaya, paano tayo, bilang Iglesia, tutugon sa pagkataranta? 

Pinagliliwanag natin ang ilaw, hindi natin ito itinatago. Suriin ang mga salitang ito mula kay Jesus. 

"Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.” Mateo 5:14-16 RTPV05

Kapag ang mundo ay nagdidilim, pinaliliwanag natin ang ating ilaw. Hindi natin itinatago ang mga sarili natin. Kinukuha natin ang kahit ano at ang bawat pagkakataon upang mapagliwanag ang madidilim na lugar sa pamamagitan ng liwanag ng pag-ibig ng Diyos. Paano ito nakikita sa panahon ng biglang pangangailangan? 

Makikita ito gaya ng pagtulong sa ating mga kapitbahay. Katulad ng pagiging mapagbigay sa iglesia at sa ibang mga samahan na nakakatulong sa iyong pamayanan at tumutulong sa mga naapektuhan ng trahedya. Katulad ito ng paglilingkod sa ibang tao, pagdadala ng pagkain sa mga tao, pamamahagi ng ating mga gamit, at iba pang mga bagay na hindi na natin kayang bilangin. 

Dahil ganito talaga iyon: ang pagsunod kay Jesus ay hindi isang bagay na ginagawa natin ng isang beses sa isang linggo kapag tayo ay pumupunta sa iglesia. Ang pagsunod kay Jesus ay isang radikal, at pang-araw-araw na desisyon na mamatay sa ating mga sarili at unahin ang Diyos at ang ibang tao.

Sa mga panahon ng walang kasiguruhan, ang mga tao ay malamang na lalo pang naghahanap ng mga kasagutan. Ang mga tao ay naghahanap ng pag-asa. 

Maging bayan tayo ng Diyos na hindi lamang sinasabi na minamahal natin ang mga tao—talagang mahalin natin sila. Maging kilala tayo nang higit sa ating pagdalo ng isang beses sa isang linggo sa pagtitipon. Makilala tayo sa ating pagtugon sa mga pangangailangan, sa ating pagbibigay ng pag-asa, at sa ating pagbibigay ng liwanag sa kadiliman. 

Anong maaari nating gawin sa gitna ng krisis? Pagliwanagin natin ang ilaw; hindi natin ito itatago. 

Manalangin: Diyos ko, napakarami Mo nang ibinigay sa akin. Tulungan mo akong ibahagi ang iyong pag-ibig sa mga taong nasa aking landas. Tulungan mo akong magkaroon ng higit sa isang beses-sa-isang linggong pananampalataya. Ipakita mo sa akin kung paanong maglingkod sa Iyo araw-araw. Buksan mo ang aking mga mata sa mga pagkakataong mapagliliwanag ko ang Iyong ilaw sa ibang tao. Tulungan Mo akong ibahagi ang Iyong pag-ibig at ang Iyong pag-asa sa ibang naghahanap ng kasagutan. Sa pangalan ni Jesus, amen. 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Not Afraid: How Christians Can Respond to Crises

Kapag ang isang krisis ay nangyayari sa ating mundo, madaling kuwestyunin ang ating pananampalataya, at mahirap palitan ang pagkakagulong kinakaharap natin ng kapayapaan na ipinangako sa atin bilang mga taga-sunod ni Jesus. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito na kasama sa serye ni Pastor Craig Groeschel, Not Afraid, matutuklasan natin ang tatlong bagay na maari nating gawin bilang mga Cristiano sa harap ng krisis.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/