Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Natatakot: Paano Tumutugon ang mga Cristiano sa KrisisHalimbawa

Not Afraid: How Christians Can Respond to Crises

ARAW 2 NG 5

Namumuhay tayo sa pananampalataya, hindi sa takot. 

Nabubuhay tayo sa panahon kung saan walang kakulangan sa impormasyon. At ito ay isang kamangha-manghang kaloob! Lalo na sa mga panahon ng kapahamakan, napakabuting madali tayong nakakapag-usap, mabilis na nakagagawa ng aksyon, at nakakakonekta sa buong mundo tungkol sa mga kasalukuyang pangyayari. Ngunit kapag tayo ay nakakakuha ng sobrang impormasyon—lalo na kapag tayo ay nag-iisa—maaaring mag-alala tayo, magupo, at makaramdam ng pag-iisa. 

Sa isang mundo kung saan may bagong malaking balita sa bawat oras, maaaring maging madali ang magsimulang mabuhay sa takot. Ngunit bilang tagasunod ni Jesus, tinatawag tayo upang mabuhay sa pananampalataya—hindi mabuhay sa takot. 

Pinaaalalahanan tayo ni Pablo tungkol dito sa 2 Timoteo: 

Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili. 2 Timoteo 1:7 RTPV05 

Ang takot na madalas nating nararamdaman ay hindi galing sa Diyos. Kapag nagsisimula tayong matakot, ito ang tamang panahon upang manalangin. Hindi ibig sabihin nito na hindi na tayo makakaramdam ng takot kahit kailan. Sa katunayan, maaaring mag-udyok sa atin ang takot na gumawa ng tama, iwasan ang panganib, o gumawa ng matatalinong pagpili. Ngunit hindi natin maaaring hayaan ang nararamdamang takot na malupig ang ating pananampalataya sa Diyos. 

Paano natin magagawa ito kung tayo ay napapaulanan ng mga abiso tungkol sa susunod na malaking kapahamakan? 

Narito ang sinabi ni Jesus: 

"Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag na kayong matakot." Juan 14:27 RTPV05

Hindi sinasabi ni Jesus na huwag tayong matakot dahil makukuha natin lagi ang resultang hinihingi natin. Sa halip, nangangako Siya ng kapayapaan dahil may daan tayo patungo sa Kanyang presensya. Sinasabi ni Jesus na ang kapayapaang iyon ay isang kaloob. Ang ibig sabihin nito ay ibinibigay sa atin ni Jesus nang walang bayad ang kapayapaan sa bawat sandali ng bawat araw. Ang ating kailangang gawin ay tanggapin ito. Kunin ito. Patuloy na lumapit sa Diyos at hingin ang Kanyang kapayapaan sa gitna ng mga problema mo sa buhay. 

Kaya't ano nga ba ang maaaring gawin ng mga Cristiano sa mga kapahamakang hindi natin nababatid? Maaari nating alalahanin na namumuhay tayo sa pananampalataya. Hindi tayo namumuhay sa takot. 

Manalangin: Diyos ko, nararanasan kong lubha akong nag-aalala tungkol sa _______. Hindi ko alam kung anong mangyayari, ngunit alam kong hindi Ka nagugulat, at inaayos Mo ang lahat ng bagay para sa ikabubuti. Diyos ko, tulungan mong lalo Ko ikaw pagtiwalaan ngayong araw na ito. Palaguin Mo ang aking pananampalataya, Panginoon. Hinihiling ko ang Iyong kapayapaan. Salamat sa walang bayad na pagbibigay mo sa amin ng kapayapaan sa isip anuman ang mangyari sa aming kapaligiran. Sa pangalan ni Jesus, amen.  

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Not Afraid: How Christians Can Respond to Crises

Kapag ang isang krisis ay nangyayari sa ating mundo, madaling kuwestyunin ang ating pananampalataya, at mahirap palitan ang pagkakagulong kinakaharap natin ng kapayapaan na ipinangako sa atin bilang mga taga-sunod ni Jesus. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito na kasama sa serye ni Pastor Craig Groeschel, Not Afraid, matutuklasan natin ang tatlong bagay na maari nating gawin bilang mga Cristiano sa harap ng krisis.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/