Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Natatakot: Paano Tumutugon ang mga Cristiano sa KrisisHalimbawa

Not Afraid: How Christians Can Respond to Crises

ARAW 1 NG 5

Bilang mga Cristiano, paano tayo tumutugon sa harap ng isang krisis? 

Kapag isang krisis ang nangyari sa ating mundo, madaling kuwestyunin ang ating pananampalataya, at mahirap palitan ang kaguluhang kinakaharap natin ng kapayapaang ipinangako sa atin bilang mga taga-sunod ni Jesus. 

Kaya, anong maaari nating gawin bilang mga Cristiano bilang tugon sa mga likas na kalamidad, pandemya, o anumang nakakatakot na hindi natin alam na kailangan nating harapin? 

Una, tandaan natin na ang mundong ito ay hindi natin tahanan. Ang Banal na Kasulatan ay nagpapaalala sa atin na ang mundong ito ay panandalian lamang—ito'y usok lamang. ang ibig sabihin ba nito ay iikot na lamang tayong tila hindi nababahala sa nangyayari sa paligid natin? Syempre hindi! Hindi tayo nakikiayon sa mundo, ngunit tayo ay dapat nagmamahal sa mundo. 

Ang ating tugon sa gitna ng panganib at walang kasiguruhan ay hindi ang balewalain ang sakit kundi ang ilapit ang mga tao sa kapayapaan ng Diyos. 

Pinaaalalahanan din tayo sa Banal na Kasulatang hindi tayo namumuhay na tulad ng mga taong walang pag-asa. Dahil batid natin kung anong ginawa ni Jesus para sa atin, malakas ang loob natin dahil alam nating kasama natin Siya sa tuwina. Kaya, kapag may dumating na kapahamakan, hindi tayo natitigatig dahil alam natin na hindi tayo pinababayaan. 

Maaaring nagtatanong ka kung bakit ang isang mabuting Diyos ay hahayaan ang mga masasamang bagay na mangyari sa mundo. At wala namang masama na magtanong. Hindi umiiwas ang Diyos sa ating mga katanungan; inaanyayahan Niya tayo sa Kanya. 

Ang katotohanan ay, hindi nangako si Jesus ng isang buhay na walang sakit. Sa halip, nangako si Jesus na ang mundong ito ay may dalang kapighatian. Ito ay magdadala ng pag-aalinlangan. Ngunit maaari pa rin tayong umasa dahil hindi ito ang ating huling patutunguhan. Narito ang sinabi ni Jesus tungkol diyan: 

"Sinabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”Juan 16:33 RTPV05

Nakuha mo ba kung saan nanggagaling ang kapayapaan? Kay Jesus lamang ang tanging lugar kung saan tayo makakatagpo ng kapayapaan na hindi nagbabago anuman ang mga problemang kinakaharap natin. At dahil sa ginawa ni Jesus para sa atin, may kalakasan tayo ng loob dahil alam natin kung paano matatapos ang kuwento. Isang araw, itatamang lahat ng Diyos ang mga mali.

Kaya't kung ang ngayon ay tila walang katatagan, alalahanin na kay Cristo, may pag-asa tayong hindi natitinag na hindi nagbabago base sa ating sitwasyon sa kasalukuyan. Sa mga susunod na araw, pag-uusapan natin ang ilang mga pananaw at mga praktikal na bagay na maaari nating gawin upang ibahagi ang pag-ibig ng Diyos kapag nagkaroon ng trahedya. 

Manalangin: Diyos ko, lumalapit ako sa iyo ngayon na may takot patungkol sa _____. Aking Diyos, batid ko na hindi Ka nagugulat sa anumang nangyayari, kaya hinihiling kong palitan mo ang takot ko ng pananampalataya. Tulungan mo akong maramdaman ang Iyong kapayapaan at ang Iyong presensya sa nakikita at hindi inaasahang pamamaraan ngayon upang maibahagi ko ang aking pag-asa sa Iyo sa ibang tao. Salamat dahil hindi Mo ako iniiwan at sa pangakong lagi kitang kasama. Sa pangalan ni Jesus, amen. 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Not Afraid: How Christians Can Respond to Crises

Kapag ang isang krisis ay nangyayari sa ating mundo, madaling kuwestyunin ang ating pananampalataya, at mahirap palitan ang pagkakagulong kinakaharap natin ng kapayapaan na ipinangako sa atin bilang mga taga-sunod ni Jesus. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito na kasama sa serye ni Pastor Craig Groeschel, Not Afraid, matutuklasan natin ang tatlong bagay na maari nating gawin bilang mga Cristiano sa harap ng krisis.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/