Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtatagumpay sa Kalungkutan: Mga Debosyon para sa mga Magulang na NagluluksaHalimbawa

Surviving Sorrow: Devotions for Parents in Mourning

ARAW 3 NG 5

Ang mawalan ng anak ay isang pambihirang uri ng kalungkutan. Walang makatutulad dito. Ang panahon, ay tunay na makapagpapahilom ng sugat na ito. Subalit, puwede mong piliin na gumawa ng isang bagay tungkol sa iyong kirot. Wala kang nagawa nang mamatay ang iyong pinakamamahal na anak—subalit may magagawa ka ngayon. 

Natatandaan ko nang ako ay nakatayo sa sangandaan na mayroong gagawin na kaparehas na pagpili. Ang parehong pagpipilian ay nakakatukso. Maaari akong tumalikod sa Diyos at lumakad sa daan na may galit at pait. Ako ay may sapat na kirot at galit na gawin itong nakakatukso. Ang aking anak ay namatay sa Estados Unidos noong 2008 dahil sa simpleng kaso ng impeksyon sa lalamunan. Paanong nangyari ito? Ang galit ay tila nararapat dahil sa pagkadurog ng aming pamilya. 

O, maaaring ako ay bumaling sa Diyos at simulan ang mahaba, nanlilimahid na daan ng pagdadalamhati kasama ang nag-iisang Diyos na nangako sa akin ng maraming mga bagay. Ang mga pangako ay maibiging inaalagaan at may katiyakan sa nakalipas na mahabang panahon sa ating Bibila. Ang mga pahina ay bumubulong ng pagnanais sa kapayapaan at kagalakan. Paanong mangyayari ito? Ang kapayapaan at kagalakan ay tila hindi maaabot sa kanyang kabuuan, ngunit malinaw pa rin silang naroroon. 

Pinili ko ang paraan ng Diyos. Pinili ko ang daan ng kagalingan. Maaaring ang daan na ito patungo sa Diyos ay mas mahirap kaysa sa isang daan. Ang landas ng kapayapaan at kagalakan ay kadalasan wala sa ating mga kamay at nasa Makapangyarihang Kamay ng Diyos. Ang galit at pait ay pamilyar, at madali. Dama kong ganap na kontrolado ko kung saan ko titirahin ang ilan sa mga nasa paligid. Ang landas patungo sa Diyos ay nasa ating mga tuhod, sa ating mukha, at sa pinakadulo ng ating mga sarili. Ang ganap at lubos na pagsuko sa ating Manlilikha ay kung saan nagsisimula ang daan. 

Ang paglalagak sa buhay ng iyong anak, at sa iba mo pang mga anak na buhay, sa iyong kabiyak, at ng iyong sarili sa paanan ng Makapangyarihang Diyos ay isang paraan upang mabawasan ang kirot ng iyong kaluluwa. Matapos na humagulgol sa Kanya ng ilang sandali, buksan ang iyong Biblia at hilingin sa Banal na Espiritu na ihayag ang mga pangako na maglalagay ng balsamo ng kagalingan sa iyong durog at nagdurugong puso. Hilingin sa Ama na ipadala ang buong sukatan ng Kanyang Banal na Espiritu upang ipagkaloob ang ipinangakong kapayapaan, kapayapaan ng Diyos, nang higit sa iyong posibleng naiisip ngayong wala na ang iyong anak. 

Ngayon, matatagpuan mo ang "10 Nangunguna" na paboritong mga pangako sa Banal na Kasulatan upang magbuhos ng ilang kapayapaan sa iyo at bantayan ang iyong puso at isipan Kay Cristo Jesus. Basahin lamang kung ano ang makakaya mo. Maaring sipiin ang ilan sa notecard at ilagay sa iyong bulsa para sa mga oras na ang mga di inaasahang krisis na dumarating sa iyo!  

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Surviving Sorrow: Devotions for Parents in Mourning

Nang ang tatlong taong gulang na anak ni Kim ay sumakabilang-buhay, nakasumpong siya ng maraming mga babasahin patungkol sa pagdadalamhati. Sinabi niya na ang tunay niyang kailangan, gayunpaman, ay "isang tao na makapagbibigay sa akin ng payo para mabuhay, hindi lang para sa pagdadalamhati." Sa 5-araw na debosyonal na ito, ibabahagi ni Kim ang kahinaang sariwa pa, ang malalim na bukal ng karunungan, at ang kaalaman ng isang tao na nakaranas ng ganoong sitwasyon habang inaakay niya ang mga magulang na nagluluksa sa proseso ng buhay pagkatapos ng kamatayan at malampasan ang kalungkutan sa pagkawala.

More

Nais naming pasalamatan ang Moody Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.moodypublishers.com/books/evangelism-and-discipleship/surviving-sorrow/