Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtatagumpay sa Kalungkutan: Mga Debosyon para sa mga Magulang na NagluluksaHalimbawa

Surviving Sorrow: Devotions for Parents in Mourning

ARAW 2 NG 5

Naisip mo na ba kung ang Diyos ay nababahala sa iyong matinding pagdadalamhati? Nasubukan ba ng iba na pagaanin ang iyong pagdadalamahati sa pamamagitan ng pagtuturo sa langit? Narinig ko na ang mga Cristiano ay dapat magdalamhati sa ibang paraan dahil sa ating pag-asa kay Cristo at sa buhay na walang hanggan. 

Sa katunayan, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na kung Siya ay inibig nila, sila ay magagalak sapagkat Siya ay pupunta sa Ama (Juan 14:28). Ang pahayag na ito, gayunpaman, ay inilahad matapos sabihin ito ni Jesus:

“Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito habang kasama pa ninyo ako. Ngunit ang Tagapagtanggol, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo. Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag na kayong matakot” (Juan 14: 25–27 RTPV05). 

Sinabi ni Jesus sa kanila ang tungkol sa Kanyang kamatayan. Binigyan sila ng katiyakan sa pamamagitan ng pangako ng Banal na Espiritu. Nais ni Jesus na maunawaan ng Kanyang mga alagad na anuman ang kanilang kakaharapin pagkamatay Niya, sila ay magkakaroon ng kapayapaan: Ang Kanyang kapayapaan. Ang kapayapaan ng Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos. 

Ito lamang ang paraan upang malampasan ito, kaibigan. Kailangang hingin natin na ipadama sa atin ang kapayapaan ng Diyos. Mahihiling natin na palitan ang kirot ng kapayapaan. Tanging ang Diyos lamang ang may kapangyarihan na pagalingin ang sugat na ito. Subalit, kung ang pagdadalamhati ay napakabigat, iniisip ko ang katotohanang ito: Maging si Jesus ay tumangis dala ng kalungkutan. (Juan 11:35). 

Ang nakamamamangha ay si Jesus ay nadaig ng kalungkutan kahit na ang plano niya ay buhayin ang taong patay sa loob ng ilang minuto! Nang kaharapin ni Jesus ang pagdadalamhati ni Marta at Maria, Siya ay lubhang natigatig. Tumangis si Jesus. Hindi Niya pinagalitan ang mga tao na umiiyak sa pagluluksa kay Lazaro. Sa katunayan, kahit na si Marta at Maria ay nagsabi ng mga bagay kay Jesus katulad ng "Nasaan po Kayo? at " Kung narito Ka lang, hindi po sana namatay ang aking kapatid!" Hindi sila sinaway ni Jesus sa pagtatanong sa Kanya o sa kanilang pagtangis sa pagdadalamhati. Sa halip, nanaig ang awa Niya para sa kanila (Juan 11). Nanangis si Jesus. Kahit na nagplano Siya na buhayin si Lazaro mula sa mga patay, nanangis pa rin si Jesus sa kalungkutan na dala ng kamatayan. 

Naniniwala ako na nananangis din si Jesus sa ating kalungkutan. Sinasabi ng banal na Kasulatan na inilalagay Mo ang aming mga pagluha sa botelya Mo at ang bawat pagluha ko ay nakasulat sa Iyong aklat:

“Ang taglay kong sulirani'y nababatid mo nang lahat, pati mga pagluha ko'y nakasulat sa iyong aklat” (Mga Awit 56:8 RTPV05). 

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Surviving Sorrow: Devotions for Parents in Mourning

Nang ang tatlong taong gulang na anak ni Kim ay sumakabilang-buhay, nakasumpong siya ng maraming mga babasahin patungkol sa pagdadalamhati. Sinabi niya na ang tunay niyang kailangan, gayunpaman, ay "isang tao na makapagbibigay sa akin ng payo para mabuhay, hindi lang para sa pagdadalamhati." Sa 5-araw na debosyonal na ito, ibabahagi ni Kim ang kahinaang sariwa pa, ang malalim na bukal ng karunungan, at ang kaalaman ng isang tao na nakaranas ng ganoong sitwasyon habang inaakay niya ang mga magulang na nagluluksa sa proseso ng buhay pagkatapos ng kamatayan at malampasan ang kalungkutan sa pagkawala.

More

Nais naming pasalamatan ang Moody Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.moodypublishers.com/books/evangelism-and-discipleship/surviving-sorrow/