Paano Ko Malalaman ang Kalooban ng Diyos?Halimbawa
Gaano Katiyak Ang Kalooban ng Diyos?
Sa nagdaang dalawang araw, pinag-usapan natin ang tungkol sa Nakahayag at Hindi Nakahayag na mga kalooban ng Diyos. Ngunit may isa pang aspeto ang kalooban ng Diyos na nakakapagpakaba sa marami sa mga tagasunod ni Cristo. Madalas ay gusto nating malaman kung gaano ba katiyak ang mga kalooban Niya.
Kailangan ko bang bilhin ang bahay na ito o ang bahay na iyon?
Dito ba ako sa kolehiyong ito o sa kolehiyong iyon?
Dapat ko bang pakasalan ang taong ito o ang taong iyon?
Ang planong ito ba ang dapat kong piliin o ang planong iyon?
Ito ba ang dapat kong kuning trabaho o ang trabahong iyon?
May isang perpektong tao ba na dapat mong pakasalan? Maaaring wala. Kung ganoon ang kalagayan, at pagkatapos ay pinili ng isang tao ang taong hindi niya dapat pinili, kapag nagkaganoon, ang pinili ng bawat isa ay mali na. Sa halip, ang ginagawa natin pagdating sa pagpili sa kung sino ang makakasama natin habambuhay ay ang gamitin ang karunungan at pang-unawa sa kung ano ang pinakamainam mula sa Diyos.
Ngayon, hindi naman ibig sabihin niyan ay hindi na sasagot ang Diyos sa partikular na panalanging ating dinadala sa Kanya. Mahal tayo ng Diyos at madalas ay sinosorpresa Niya tayo ng kung anong eksaktong hinihingi natin mula sa Kanya! Ngunit, madalas ay kailangan nating maging marunong upang hayaang ang Salita ng Diyos ang ating maging gabay, dahil marami itong sinasabi patungkol sa mga desisyong dapat nating gawin. Ipanalangin nating magkaroon tayo ng karunungan at kaunawaan habang natututo tayo sa Salita ng Diyos at pag-aralan nating itanong ang mga sumusunod:
Ang pipiliin ko bang ito ay sasalungat sa katotohanan ng Diyos?
Ito ba ang pinakamainam na desisyon? (pagdating sa pananalapi, sa relasyon, sa damdamin, atbp.)
May mga takot bang gumagabay sa aking mga desisyon?
Pagsisisihan ko ba ito sa isang linggo, sa isang buwan, sa isang taon, o sa paglipas ng sampung taon?
Saang landas ako magiging pinakamapayapa?
Hinanap ko na ba ang karunungan ng Diyos?
Madalas ay nababahala tayo sa paggawa ng maling pagpili. Malamang na may mga desisyon tayong gagawin na sana ay hindi natin ginawa. Ang paggawa ng mga maling pagpili ang siyang nagdadala sa atin upang makagawa ng mas maiinam na pagpili sa hinaharap.
Ngunit anumang pagpili ang ating gawin, ang pag-ibig ng Diyos para sa atin ay hindi nadadagdagan o nababawasan. Baliw na baliw Siya sa atin. Ang kapangyarihan ng Diyos na makapagpabago ang bumabago sa atin. Sa pamamagitan ng binagong pag-iisip na dinadala ng Banal na Espiritu ng Diyos, mauunawaan natin ang pinakamabuting nakalaan para sa atin ng Diyos.
Pagnilayan
- Sa buhay mo, madalas ka bang napaparalisa kapag may gagawin kang malalaking desisyon? Isulat ang ilang mga bagay na kinatatakutan mo at hilingin mo sa Diyos na ipahayag sa iyo ang katotohanan tungkol dito.
Tungkol sa Gabay na ito
Ano ba ang kalooban ng Diyos? Lahat tayo ay pinag-isipan na ito sa isang punto ng ating buhay. Kung minsan, habang hinihintay nating malaman kung ano ito, napaparalisa tayo. Ang Biblia ang ating gabay upang magkaroon ng higit pang kaunawaan sa paksang ito. Pag-uusapan natin ang iba't-ibang aspeto ng kalooban ng Diyos sa limang araw na Gabay na ito.
More