Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano Ko Malalaman ang Kalooban ng Diyos?Halimbawa

How Do I Know God’s Will?

ARAW 1 NG 5

Anong Kalooban ng Diyos para sa Buhay Ko?

Ang paksa patungkol sa kalooban ng Diyos ay tanyag sa mga tagasunod ni Jesus. May isang mahalagang tanong ang marami sa atin: "Anong kalooban ng Diyos para sa buhay ko?" Dahil maaaring nakagugulo ito sa marami, pansamantala nating inihihinto ang ating mga buhay hanggang "makarinig tayo sa Diyos." Ang totoo, nakarinig na tayo mula sa Diyos patungkol sa paksang ito.

Upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kailangan nating tingnan ang Biblia upang ating maging gabay. May mga makadiyos na tao sa ating paligid na may mga kabatiran at payong maaaring maging napakahalaga. Ngunit kailangang ang hanapin natin higit sa lahat ay ang katotohanan ng Diyos. Walang anumang pangangatwiran o mungkahi ng tao ang maaaring ipalit sa matatagpuan natin sa Biblia. 

Ang kalooban ng Diyos ay partikular, pero hindi rin. Ito'y partikular dahil mababasa natin kung anong nakalaan para sa atin. Ngunit, hindi ito partikular kung nagtatanong tayo ng maling katanungan. Sa halip na magtanong ng, "Anong kalooban ng Diyos para sa aking buhay?"siguro ay maaari tayong magtanong ng isang simple, ngunit malalim na tanong: Ano ang kalooban ng Diyos?" 

Hindi ito nangangahulugang walang tiyak na mabubuting plano para sa iyo ang Diyos. Mayroon. Hindi rin ito nangangahulugang hindi Siya personal na nag-aalala sa iyo. Nag-aalala Siya. At hindi rin ito nangangahulugang hindi ka Niya pinagkalooban ng mga bagay upang may mga tiyak na magawa sa mundo. Mayroon. Kaya lang, ang kalooban at plano ng Diyos sa mundong ito ay upang magawa ang Kanyang mga layunin, hindi ang sa atin. Ang Diyos ang Tagapangasiwa natin sa langit, inaayos Niya ang Kanyang plano sa mundo, at ginagawa natin ang ating papel dito.

Ang ilang bagay ay madaling maunawaan samantalang ang iba ay nangangailangan ng pananampalataya at tiyaga. Ang may-akda at pastor, si John Piper ay inilarawan ang dalawang kalooban ng Diyos: ang Kanyang Kaloobang Itinalagaat ang Kanyang Kaloobang Iniutos. Ang Kaloobang Itinalaga ng Diyos ay hindi mababawi; mangyayari ito. Madalas na itinuturing itong hindi batid o isang misteryo. Ang Kaloobang Iniutos ng Diyos ay kung anong iniuutos ng Diyos na gawin natin. Maaari natin itong hindi gawin kung ating pipiliin. Ito ay ang mga bagay na nasa Biblia na alam nating dapat nating gawin. Sa Gabay na ito, gagawin nating simple ang mga kaloobang ito at tatawagin natin silang Hindi Nakahayag at Nakahayag. 

Sa mga susunod na araw ng Gabay na ito, pag-uusapan natin ang iba't-ibang aspeto ng kalooban ng Diyos. Maglakbay kasama namin upang maunawaan ang mga bagong pananaw sa ating usapan na matagal nang nasa mga puso at isipan ng maraming mga tagasunod ni Cristo. 

Pagnilayan

  • Kapag iniisip mo ang patungkol sa kalooban ng Diyos, anong dumarating sa isipan mo? 

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

How Do I Know God’s Will?

Ano ba ang kalooban ng Diyos? Lahat tayo ay pinag-isipan na ito sa isang punto ng ating buhay. Kung minsan, habang hinihintay nating malaman kung ano ito, napaparalisa tayo. Ang Biblia ang ating gabay upang magkaroon ng higit pang kaunawaan sa paksang ito. Pag-uusapan natin ang iba't-ibang aspeto ng kalooban ng Diyos sa limang araw na Gabay na ito.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.