Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano Ko Malalaman ang Kalooban ng Diyos?Halimbawa

How Do I Know God’s Will?

ARAW 3 NG 5

Ang Hindi Nahahayag na Kalooban ng Diyos

Napakarami sa kalooban ng Diyos ang hindi natin alam. Kahit na gaano pa tayo kagaling o ano mang gawin natin, hindi natin kailanman malalaman ang mangyayari sa hinaharap. Iyan ay sakop ng kaharian ng Diyos. Hindi lamang iyan, ngunit may mga bagay tayong ipinapanalangin—kahit nga ipinagmamakaawa natin sa Diyos—na hindi mangyayari ayon sa ating hinahangad. May mga katanungan pa rin tayo hanggang sa araw na lisanin natin ang mundo.

Bagama't hindi natin kayang malaman ang lahat, maaari nating malaman pang laloang kalooban ng Diyos. Totoo ito. Sinasabi sa Mga Taga-Roma 12:2 na ang kalooban ng Diyos ay mabuti, kalugud-lugod, at ganap at ang mga ito ay maaari nating subukan at mapagtibay. Ngunit, upang ito ay magawa natin, may kailangan tayong gawin na maaaring maging hamon para sa atin. Kailangang tanggalin natin ang ating pangangailangan o hangaring sumunod sa kung anong ginagawa ng ibang tao at sa halip, hayaan natin ang ating mga kaisipan na mabago sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. 

Hindi ito madali. Ito'y mapanghamon dahil napaliligiran tayo ng mga impluwensyang malayo sa pagiging banal. Sa bawat pagbabago ng ating buhay, inaatake tayo ng mga bagong kaisipan, bagong kamamanghaan, at bagong mga tao. Ang mga bagong bagay ay hindi masama, ngunit kailangan nating maunawaan kung alin sa mga ito ang humihila sa atin palayo sa pinakamabuti ng Diyos. Upang makuha natin ang anumang bahagi ng Hindi Nahahayag na kalooban ng Diyos, kailangan nating dalhin sa Kanya ang ating nabagong isipan. May binago at pinahusay na isipan tayo kapag hinahangad nating sundin Siya sa Nakahayag na kalooban ng Diyos at sa mga bagay kung saan tayo tinatawag ng Diyos. 

Pag-isipan mo ito nang ganito. Kapag tayo'y namumuhay sa kasalanan, habang nagpapadaig tayo sa bawat nakasasamang tukso na nasa ating landas, paano kaya nating tunay na mauunawaan kung anong pinakamabuti ng Diyos? Nag-iisip tayo kung bakit hindi natin nararamdaman ang pag-aakay sa ating ng Diyos, at ito'y dahilan sa ang ating mga buhay ay tunay ngang nababalot sa mga kaluguran ng mundong ito. Ngunit kapag sinusunod nating ang Nakahayag na kalooban sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwa, pagpiling tumigil sa pakikipagtsismisan, at pamumuhay nang matapat, hindi kaya mas magiging madali na kilalanin ang Hindi Nakahayag na kalooban na "mabuti, kalugud-lugod, at ganap" dahil nabago na ang ating mga isipan? 

Sa araw na ito nagsisimula ang ating pang-araw-araw na pagkakataon upang isaisantabi ang mga pamantayan na inilalagay ng ating lipunan kapalit ng katotohanan. Habang ginagawa natin ito, hanapin natin ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ng Diyos upang baguhin ang ating mga isipan. At sa pamamagitan ng mga binagong isipan, hindi natin batid kung anong ipapahayag sa atin ng Diyos sa Kanyang tamang panahon. 

Pagnilayan

  • Pagdating sa Hindi Nakahayag na kalooban ng Diyos, anong mga bagay ang gusto mo sanang alam mo na ngayon?
  • Sa halip na tumuon sa kung anong mangyayari, anong nararamdaman mong pagtawag ng Diyos sa iyo ngayon?
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

How Do I Know God’s Will?

Ano ba ang kalooban ng Diyos? Lahat tayo ay pinag-isipan na ito sa isang punto ng ating buhay. Kung minsan, habang hinihintay nating malaman kung ano ito, napaparalisa tayo. Ang Biblia ang ating gabay upang magkaroon ng higit pang kaunawaan sa paksang ito. Pag-uusapan natin ang iba't-ibang aspeto ng kalooban ng Diyos sa limang araw na Gabay na ito.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.