Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-arawHalimbawa
Nagsisimula nang Maging Parang Pasko
"Hindi ito sa kung ano ang nasa ilalim ng puno; bagkus kung sino ang nakapaligid dito." -- Anonymous
Ang pagsasalo-salo sa hapagkainan ay normal na nagaganap tuwing Kapaskuhan. Mula sa salo-salo ng pamilya hanggang sa mga kasiyahan sa opisina at pati na rin sa mga gawain kung saan binibigyang parangal ang mga koponan, marami tayong mga oportunidad para ipagdiwang ang ating mga pakikipag-ugnayan at ipakita ang ating pagmamahal sa mga malalapit sa atin. Katulad rin sa mga selebrasyon, ang ating pagkain na pinagsasaluhan ay iba't-iba.
Kalimitan, naghihintay tayo ng okasyon sa kalendaryo upang masayang kumain kasama ang ibang tao. Ipinagdiriwang natin ang Kapaskuhan at ang Araw ng Pagkabuhay at ang iba pang mga hindi gaanong importanteng okasyon. Nakakalungkot lang, hindi tayo nakakakonekta sa mga tao samantalang nilikha tayo upang ito mismo ang gawin. May kakaiba sa ating mga salo-salo nang sama-sama at kaligayahan sa ating mga relasyon na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Ang Biblia ay sagana sa mga pahayag na magagampanan lang natin... kung kasama ang bawat isa.
Mag-ibigan kayo-- Juan 13:34Maglingkod kayo sa isa't-isa-- Mga Taga-Galacia 5:13
Magpatawad kayo sa isa't-isa-- Mga Taga-Efeso 4:32
Pahalagahan ninyo ang bawat isa-- Mga Taga-Roma 12:10
Ipanalangin ninyo ang isa't-isa -- Santiago 5:16
Upang mangyari ang sinasabi sa Banal na Salita ng Diyos, nararapat magsama-sama tayo nang mas madalas. Bakit hindi sa isang beses sa isang buwan ay may gawin tayo? Bakit kailangan pa nating maghintay sa buwan na pinakaabala tayo para lang magsama-sama tayo sa hapagkainan? Bakit hindi natin imbitahin ang mga tao sa tuwina upang hindi tayo magtanong kung anong nangyari sa kanila mula noong huling Pasko na nakita natin sila?
Hindi naman ito isang mungkahi na magkaroon ng selebrasyon bawat buwan at kumain ng Christmas cookies sa buong taon, pero pwede naman itong gawin kung nais mo. (Hindi kami nanghuhusga!) Hindi, ito ay isang paalala na ugaliin nating magkita-kita at magsama-sama nang mas madalas kasama ang ating mga kaibigan at pamilya. Huwag nating hintayin ang isang okasyon sa kalendaryo para lang makasama sila at bumuo ng masayang alaala kasama ang mga mahal natin sa buhay. Ang pagdiriwang ng ating pagiging magkakaibigan at pagmamahal ng ating mga kapamilya ay nakakahikayat sa atin at nagpapakita ng ating pagpapahalaga sa Diyos.
Magnilay
- Gaano mo kadalas nakakasama at nakakasalo ang iyong mga kaibigan at kapamilya?
- Puwede kang gumawa ng listahan ng mga tao na nais mong makasama at magplano kung anong gagawin mo kasama sila sa bawat buwan ng taon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mayroong natatangi tungkol sa Pasko na nagpapalabas ng pinakamabuti sa ating lahat. Madalas tayo ay mas mabait, mas mapagbigay, at gumugugol ng mas maraming oras kasama ang mga taong mahal natin. Paano kung hindi ito kailangang magtapos sa Disyembre? Paano kung maaari nating ipagdiwang araw-araw ang Pasko?
More