Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-arawHalimbawa

Merry & Bright: Celebrating Christmas Every Day

ARAW 2 NG 7

Ang Pasko Ay Nagsimula Kay Cristo 

“Ang Pasko ay may nagagawang medyo kakaiba sa tao.” — Charles M. Schulz 

Ang pagpapalitan at pagtanggap ng mga regalo ay isa sa pinakatanyag na tradisyon ng Pasko. Sa unang bahagi pa lang ng Nobyembre, ang mga anunsyo para sa “perpektong” regalo ay nagsisimula na.

Ang Mateo 2 ay nagsasabi tungkol sa pagsilang ni Jesus. Narinig ng mga pantas na ipinanganak si Jesus, at sila ay naglakbay upang hanapin Siya.  Sinabi sa Mateo 2:10, “Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan” nang matagpuan nila si Jesus, at sila ay naghandog ng mga regalong ginto, insenso at mira. 

Ang pagbibigay ng regalo ay marangal, mapagkaloob, at nagsasabing, “Ikaw ay nasa isip ko.” Katulad tayo ng ating Ama sa Langit kapag tayo ay nagbibigay ng mga regalo sa iba. Karaniwan at inaasahan na magbigay ng mga regalo sa Pasko, ngunit paano kung tayo ay mapagbigay salahat ng oras? Paano kung nagbigay tayo ng regalo sa isang kaibigan noong Abril dahil lang? Paano kung nag-ambag tayo para sa isang kaibigan o sa isang magandang layunin noong Hulyo? Kung ginagawa natin ang pagbibigay bilang bahagi na ng ating buhay, maaaring hindi natin masyadong pagtutuunan ng pansin ang paggawa nito sa loob lamang ng isang buwan bawat taon.

Marahil ay iniisip mo na wala kang pera upang bumili ng mga regalo at magbigay ng mga donasyon sa buong taon. Narito ang ilang mga saloobin pagdating sa pagbibigay:

Ang Regalo ay Regalo
Nangangahulugan ito na may iniisip kang iba bukod sa iyong sarili. Maaari kang gumastos ng kaunti, marami, o wala! Ang punto ay hindi ang halaga; kundi ang pagpapahalaga. Kaya't maging malikhain sa mga bagay na nais mong ibigay sa isang tao. At huwag maghintay hanggang Disyembre.

Magbigay ng higit pa sa isang Regalo
Ang pagiging mapagbigay ay hindi lamang tungkol sa isang pisikal na regalo na binibili natin sa tindahan. Ito ay tungkol sa pag-paghahandog ng isang bagay upang pagpalain ang iba. Ang isang kilos ng paglilingkod o isang maalalahanin na salita ay mahusay na paraan ng pagbibigay. 

Bawat Malilit na Bagay ay Nakakatulong
Madalas tayong naghihintay na magbigay sa huling dalawang buwan ng taon. Ngunit, maaari nating baguhin iyon at maging mahusay sa pagbibigay sa loob ng 11 buwan. Kaya, marahil ay maaari kang magbigay nang kaunti bawat buwan sa isang nagugustuhan mong non-profit na organisasyon. O bumili ka ng ilang bagay sa tindahan para sa isang nangangailangang pamilya. Anumang halaga ay makakatulong.

Ang buhay ay nagbibigay sa atin ng sapat na mga pagkakataong makapagbigay at maging isang pagpapala sa iba. Tinutulungan man natin ang solong ina sa mga damit ng kanyang mga anak, nagbibigay sa isang non-profit, o pinapasaya ang araw ng isang tao dahil sa isang simpleng regalo, matutularan natin ang ating Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagiging mapagbigay. 

Magnilay

  • Itinuturing mo ba ang iyong sarili bilang isang mapagbigay na tao sa Pasko? Kumusta naman ang natitirang taon?
  • Ano ang isang bagay na maaari mong gawin upang ang espiritu ng pagbibigay mo ay tumagal sa buong taon?
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Merry & Bright: Celebrating Christmas Every Day

Mayroong natatangi tungkol sa Pasko na nagpapalabas ng pinakamabuti sa ating lahat. Madalas tayo ay mas mabait, mas mapagbigay, at gumugugol ng mas maraming oras kasama ang mga taong mahal natin. Paano kung hindi ito kailangang magtapos sa Disyembre? Paano kung maaari nating ipagdiwang araw-araw ang Pasko?

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.