Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-arawHalimbawa
Para sa atin Ipinanganak ang isang Sanggol
"Ang Pasko ay panahon hindi lamang para magalak, kundi para magnilay" - Winston Churchill
Napansin mo na ba kung paano inilalabas ng mga sanggol ang pinakamabuti ng tao?
Pag-isipan mo ito: ang mga tao ay nagsasalita nang mahina, mabait, at mapagmahal sa paligid ng mga sanggol. Ang mga pamilya ay nagtitipon-tipon para makita ang bagong silang na sanggol. Ang mga kaibigan ay nagpapadala ng regalo at pagkain sa mga pagod na magulang. Bukod pa rito, ang mga tao ay palaging mabait sa mga babaeng nagdadalang-tao (at nararapat lang naman). Kawili-wili, ganoon nagsimula ang kuwento ng Pasko: sa pamamagitan ng isang sanggol.
Sinasabi ng Isaias 9:6-7 na "Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin." at ang batang ito ay si Jesus. Ang Kahanga-hangang Tagapayo at Prinsipe ng Kapayapaan ay ang Tagapagligtas ng sanlibutan na hinihintay ng mga tao. Noong dumating Siya sa sanlibutan, ang mga propesiya ay natupad. Ang sanggol na ito, ipinanganak ng birhen, lumaki upang maging tao na namuhay nang perpekto, buhay na walang kasalanan. Namatay sa krus at nabuhay na muli, nagbigay sa atin ng pagkakataong maligtas mula sa ating mga kasalanan.
Iyan ang kahulugan ng Pasko. Gayunpaman, ang Disyembre ay karaniwang puno ng mga bagay na humihingi ng ating pansin:
- Pagkuha ng perpektong regalo para sa mga nasa listahan natin.
- Pagiging mas mabait sa ating mga salita at pagkilos.
- Paghahanda ng isang kanais-nais na pagkain para sa isang salo-salo.
- Paggawa ng pinaka kamangha-manghang kard upang maipadala sa mga kaibigan at pamilya.
- Pakikilahok sa mga aktibidad dahil tradisyon ito.
Ang lahat ng iyan ay magagandang bagay! Gayunpaman, kung hindi tayo maingat, maaari nating pahintulutan ang paraan ng ating pagdiriwang na mapalitan ang Nag-iisa na ating ipinagdiriwang. Maaari nating mapanatili ang ating pagtuon kay Jesus habang hinahanap ang kasiyahan sa mga pagpapala ng Diyos sa atin.Nilayon ang mga ito upang masiyahan tayo, hindi para sambahin natin ang mga ito.
Ang Kapaskuhan ay nagdudulot ng isang bagay sa karamihan sa atin. Ang isang bagay sa atin na nais maging mapagbigay, mabait, maligaya, palakaibigan, at makipaghalubilo. Ngunit paano kung hindi tayo maghihintay hanggang sa sumapit ang Pasko upang gawin ang mga ito? Hindi natin kailangang maghintay hanggang Disyembre...
- ...upang magbigay sa samahang hindi layon ang kumita.
- ...upang maging mabait at magsalita nang mabuti sa iba.
- ...upang maghanda ng pagkain para sa mga malapit na kaibigan.
- ...upang magpadala ng isang kard sa isang miyembro ng pamilya.
- ...upang lumikha ng mga tradisyon sa buong taon sa ating pananampalataya.
Tila isa itong mahirap na utos upang maisakatuparan, ngunit hindi. Kailangan lang nito ng kaunting paglalayon. Kailangan nating markahan ang ating mga kalendaryo, gumawa ng paalala, at sundin lamang ang mga ito. Isipin mo kung ano ang pakiramdam kapag naririnig natin ang mga pariralang, "Ang Pasko ay panahon para sa pagbibigay" o "Ito ay panahon para sa pamilya at mga kaibigan" sa Disyembre, at dapat ginagawa na natin ito sa mga nakalipas na 11 na buwan.
Habang binabasa natin ang nalalabing mga araw sa Gabay na ito, susuriin natin ang ating mga tradisyon sa Pasko at hahanapan ng mga paraan upang maisama ang mga ito sa buong taon.
Pagnilayan
- Ano ang nararamdaman mo sa ganitong panahon ng taon? Mabuti o masama, anu-anong karanasan ang nagbigay sa iyo ng ganitong pakiramdam?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mayroong natatangi tungkol sa Pasko na nagpapalabas ng pinakamabuti sa ating lahat. Madalas tayo ay mas mabait, mas mapagbigay, at gumugugol ng mas maraming oras kasama ang mga taong mahal natin. Paano kung hindi ito kailangang magtapos sa Disyembre? Paano kung maaari nating ipagdiwang araw-araw ang Pasko?
More