Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-arawHalimbawa
Ang Pinakamagandang Panahon ng Taon
“Nais ko sanang mailagay natin ang ilang bahagi ng diwa ng Pasko sa mga sisidlan at buksan ang bawat isang sisidlan buwan-buwan.” — Harlan Miller
Sa Pasko, karaniwang mas banayad tayo kaysa sa ibang bahagi ng taon. Mas madalas tayong napapangiti, mas tumatawa tayo, at mas nagpapakita ng kabaitan. Pinapayagan natin ang mga tao na mauna sa ating linya sa lansangan, naghuhulog tayo ng ilang mga barya sa isang lalagyan sa labas ng isang tindahan, at nasasabi natin ang mga magagandang bagay sa mga taong minsan ay kinaiinisan natin dahil, “Well, Pasko naman.”
Ngunit, sa sandaling dumating at natapos na ang Disyembre 25, itinatago na natin ang mga dekorasyon at mga regalo at kasama nito ay ang diwa ng Pasko. Alam niyo, ang diwa ng Pasko ang naghatid sa atin upang tayo ay maging mas matiyaga, mas mapagbigay ng kaunting pera, at magsalita nang medyo may kabaitan.
Para sa maraming mga tao, ang Pasko ay isang napakagandang panahon ng taon. Mas madali para sa atin na maging mapagmahal at mabait sa panahong ito. Dahil ito ay isang maikling panahon sa isang taon, sa palagay natin, “Maaari kong balewalain ang isang bagay na ito—Pasko naman eh.”Ang isiping kaya nating magawa ang mga bagay sa ganitong paraan sa buong taon ay tila imposible. Ngunit kung makikita natin ang mga tao sa ibang pananaw at tatratuhin lamang ang mga tao sa paraang gusto nating matrato, magagawa natin itong makatotohanan.
Sabi ni Pastor Craig Groeschel, “Hinuhusgahan natin ang ibang tao sa kanilang mga kilos ngunit hinuhusgahan natin ang ating sarili sa pamamagitan ng ating mga intensyon.” Paano kung sa halip na isipin ang pinakamasama sa iba, isipin natin ang pinakamahusay? Paano kung paniniwalaan nating mabuti ang intensyon nila sa kanilang mga pakikitungo sa atin. Kahit na sa Pasko, ang mga tao ay hindi pa rin perpekto at paminsan-minsan ay masasaktan tayo. Ngunit kung mauunawaan natin na ang bawat tao ay nasasaktan dahil sa isang bagay at lahat tayo ay nangangailangan ng kaunting kabaitan na ipapakita sa atin.
Ang babaeng iyon na tila walang konsiderasyon at inunahan ka sa tindahan? Baka gumuho lamang ang kanyang mundo dahil nakunan siya. Ang batang hindi tumitigil sa pag-arte sa kanyang silid-aralan na nakakaistorbo sa iba? Marahil ay magdidiborsyo ang kanyang mga magulang at hindi niya alam kung paano dalhin ang sakit nito. Ang pastor na hindi bumisita sa iyo sa bulwagan ng simbahan? Marahil ay ay napaparalisa ang kanyang pribadong mundo dahil sa isang suwail anak na babae.
Hindi natin maaaring ipagpalagay kung ano ang balak ng mga tao, at hindi natin maaaring ipagpalagay na palagi nilang tutuparin ang ating mga inaasahan. Mag-alok tayo ng parehong biyaya na nais nating maialok sa atin. Hindi lamang sa panahon ng isang masayang panahon ng pagdiriwang, ngunit para sa buong taon.
Magnilay
- Natagpuan mo na ba ang iyong sarili na labis na mabait sa panahon ng kapaskuhan? O sa palagay mo ay palagi kang ganito?
- Ano ang kailangan mong gawin upang patuloy na pakitunguhan ang mga tao nang mabait, araw-araw?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mayroong natatangi tungkol sa Pasko na nagpapalabas ng pinakamabuti sa ating lahat. Madalas tayo ay mas mabait, mas mapagbigay, at gumugugol ng mas maraming oras kasama ang mga taong mahal natin. Paano kung hindi ito kailangang magtapos sa Disyembre? Paano kung maaari nating ipagdiwang araw-araw ang Pasko?
More