Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Aking Anak ay Naiiba: Pagsuporta Para sa Hirap at GinhawaHalimbawa

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

ARAW 7 NG 8

Pagpapatuloy ng debosyonal kahapon mula kay Heather Brower

Pagpapalaki sa Tagasunod ni Cristo (Ikalawang Bahagi)

Kahapon, sinubukan nating sagutin ang isa sa mga pinakamalaking katanungan na mayroon tayo tungkol sa papagpapalaki ng tagasunod ni Cristo na nagkataong nagtataglay ng kapansanan, may pantanging pangangailangan, o naiiba. Ngayon, pag-usapan natin ang limang nakatutuwang pamamaraan na maituturo natin sa ating mga anak na may pantanging pangangailangan tungkol kay Jesus, kahit ano ang kanyang edad o antas ng kakayanan!

1. Maging isang huwaran. Tinanong ko ang aking kaibigan na si Alice—na nakilala natin noong Ika-Apat na Araw—kung paano niya ipinasa ang kaniyang pananampalataya sa kaniyang anak, at ito ang sinabi niya: "Nakikita ko ang aking pananampalataya bilang aking pagkakakilanlan, bahagi ng kung sino ako at hindi isang bagay na nasa listahan ng mga dapat kong gawin. Ako ay tagasunod ni Cristo. Ito ay hangin na aking nilalanghap, ang pagkain na aking kinakain, at ang kapahingahan na aking hinahanap. Ginagawa ko ito na palagian, natural at normal na bahagi ng aking araw. Kapag nakita ko kung paano kumilos ang Diyos, maaaring sa kalikasan, sa buhay ng mga tao o sa mga pangyayari, tinitiyak ko na ibahagi ang mga namamalas na ito. Bawat araw ako ay may pakikipagtalakayan tungkol sa Diyos … Kung hahahanapin mo ang Diyos, palagi mo Siyang matatagpuan. Sinusubukan kong gawin ito na maging normal na bahagi sa buhay ng aming pamilya—na hanapin ang Diyos sa mga karaniwan at ibahagi ito.”

2. Sama-samang manalagin. Ang panalangin ay totoo. Ito marahil ang pinakatotoo na magagawa nating mga magulang sa espirituwal na kalusugan ng ating mga anak. Kung ikaw ay manalangin nang malakas, maaaring samahan ka ng iyong anak sa kanilang puso. Maaring hindi mo nalalaman ang epekto ng panalanging ginawa mo sa iyong anak sa panig na ito ng langit. Kung ang iyong anak ay mauulit ang iyong mga salita, hayaan mong ulitin nila ang mga panalangin. Kung kaya nilang makipag-usap sa iyo, tanungin sila kung ano ang nais nilang pag-usapan ng Diyos. Pagkatapos, maaaring magkasama ninyong kausapin ang Diyos tungkol dito. Ang panalangin ay pagbubuklod, hindi lang sa pagitan ng Diyos at sangkatauhan, bagkus sa pagitan rin ng magulang at anak.

3. Isama ang Diyos sa iyong araw-araw na mga gawain. Kung ikaw ay papunta sa therapy, hilingin sa Diyos na bigyan ng karunungan ang therapist ng iyong anak na maunawaan kung ano ang makatutulong sa pagsuporta sa iyong anak. Kung hindi mo tiyak kung paano harapin ang isang mahirap na pagsusuri, ang pangunahin mong depensa ay maaaring ang paghingi ng karunungan sa Diyos kung ano ang susunod mong mga hakbang. Kung tinutulungan mo ang iyong anak na magbihis, pasalamatan nang malakas ang Diyos sa paglikha ng kanilang mga katawan at sa pagbibigay ng damit na maisusuot. Kung ikaw ay nagtuturo ng bagong gawain, maaari mong kausapin ang iyong anak kung paano nilikha ng Diyos ang buong daigdig nang maayos, kung papaanong ang iskedyul ng pagsesepilyo ng ngipin ay magpapanatiling maayos sa ating mga ngipin! 

4. Humanap ng kurikulum na nababagay sa iyong anak. Alam mo ba kung anong nais panoorin ng iyong teenager tungkol sa Diyos at ang pagiging maka-diyos? Tiyak na hindi kapareho ng bagay na karaniwang kinagigiliwan ng kaniyang mga kaedad! Napakaraming mga libreng nilalaman na makikita mo sa www.life.church/kids para sa iyong pamilya. May kilala ako na grupo ng mga teenager na kasalukuyang nagpupulong tuwing gabi ng Miyerkules. Ang bawat isa sa mga teenager na ito ay mayroong kapansanan. Kasalukuyan nilang ginagamit ang kurikulum mula sa LifeKids at nagugustuhan nila iyon! Natutunan nila ang Banal na Kasulatan at nakakaya nilang sabihin kung ano ang kanilang natutunan sa kanilang pamilya at sa eskuwelahan. Ang lahat ng mga video at awitin ay makukuha online para mapanood sa bahay. 

5. Gawin itong musikal. Ang isa sa mga paboritong paraan ng aking pamilya para maranasan ang kagalakan sa aming paglakad na kasama ang Diyos ay sa pamamagitan ng musika. Ang unang pakikipag-usap sa akin ng aking anak (maliban sa pag-ulit ng mga sinasabi ko sa kaniya) ay nang bumanggit siya ng mga titik sa isang kanta na natutunan niya sa simbahan. Ang musika ay nakakaapekto sa atin sa isang malalim at positibong paraan. Ang iyo bang anak ay masama ang araw? Subukan na magpatugtog ng awit pagsamba at tingnan na umaangat nang bahagya ang kondisyon sa inyong bahay. 

Maaari tayong mamuno sa pamamagitan ng halimbawa. Makapagbibigay tayo sa kanila ng kapaligiran na kung saan si Jesus ay bahagi ng pang araw-araw na lengguwahe. Maaari tayong manalangin. Maaari tayong mag-abot ng biyaya sa ating sarili kung tayo ay napapagal at hindi nating makuha nang tama ang kahit isang paraan ng pagiging magulang sa loob ng isang buwan! At—ang pinakamainam sa lahat—makikita natin kung paano ipahahayag ng Diyos ang Kaniyang sarili sa atin at sa ating mga anak sa paraan na hindi natin inaasahan.

Tala: Ikaw ba at ang iyong pamilya ay gumagawa ng isa sa mga limang bagay na ito? Maaring ka bang magsimula? Mayroon bang mga paraan na ginagawa mong huwaran si Jesus sa iyong pamilya?  

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

Ang Gabay sa Biblia na ito ay para sa mga magulang ng mga bata na may kapansanan, naiiba, o may pantanging pangangailangan ng anumang uri—nasaang bahagi ka man ng iyong lakbayin. Magbasa mula sa ibang mga magulang at tagapagtaguyod kung paano humarap sa lahat ng mga nararamdaman, paglutas ng mga pagsubok, at masiyahan sa tagumpay pagdating sa pagpapalaki ng bata na naiiba.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/