Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Aking Anak ay Naiiba: Pagsuporta Para sa Hirap at GinhawaHalimbawa

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

ARAW 4 NG 8

Ang debosyon ngayon ay mula kay Alice Thomas, ina ng bata na may pambihirang henetikong kapansanan na nahuhumaling sa mga dolphin at Superman.

Paano Naman Kung Galit ka sa Diyos? 

Ang aking asawa at ako ay nakaupo na natitigilan nang sabihin ng neonatologist na may malaking posibilidad na ang aming di-pa-naisisilang na sanggol ay maaring magkaroon ng kapansanan. Patuloy kong tinitingnan ang larawan ng ultrasound sa aking kamay, hihahanap ang 'mga palatandaan' na sinasabi niya. Umalis ako sa usapan na natitigilan, nabigla, at bagbag. Nasaktan ako at pakiramdam ko ay nadaya ng isang tao na dapat ay palaging nakaalalay sa akin—sa madaling salita, galit ako sa Diyos.

Dalawampu't dalawang taon na ang nakalipas nang sabihin sa amin ng neonatologist ang nakabibiglang balita, subalit naaalala ko pa ang aking dambuhalang alon ng emosyon. Ang nakapanlulumong resulta ay nagbago sa mangyayari sa aming buhay. Lahat ng kalungkutan, pagkabigo at pagkawasak na aking naramdaman sa pagkatanggap sa balita ay naging galit.

Ang galit ay ang pangunahing emosyon na umaaligid sa likod ng bawat balakid, hadlang at sagabal—na naghihintay ng masasakmal at masisila. Kung papayagan ko ang aking sarili na maging biktima, ako ay lalong magagalit, masama ang loob at puno ng hinanakit. Ang hindi naresolbang galit ay isang nakahahawang sakit. Kung hindi magagamot, ito ay mamiminsala sa katawan, isip at espiritu sa pamamagitan ng pagwasak ng galak, pag-asa, kapayapaan, at maging pag-ibig. Salamat, natutunan ko kung paano mapigilan ang aking galit na dumating sa panlulupaypay. Ito ay tatlong simpleng hakbang ng paglilinis: magtanong, ibulalas, at Ikumpirma.

Subukan ang tatlong hakbang na ito sa susunod na maramdaman mo na ikaw ay nagagalit sa Diyos.

1. Magtanong. Palaging may malalim, pumapangalawang emosyon sa likod ng galit. Ang una kong ginagawa ay hanapin ang mga ito. Tinatanong ko ang sarili ko ng mga katanungang katulad ng: Bakit ang sitwasyon ay nagpapagalit sa akin? Galit ba ako sa Diyos? Ano ang inaasahan ko na gagawin ng Diyos? Ito ay tungkol sa pag-aalis ng lahat ng dumi at dugo upang mailantad ang sugat at magamot nang maayos.

2. Ibulalas. Ako ay nagbubulalas sa pagsusulat. Hindi ko inaalala kung ano ang isinusulat ko o nagsisikap na pigilan ang aking mga salita dahil ito ay tungkol sa pagpapalaya. Natutunan ko na huwag matakot o mahiya na aminin ang lahat sa Diyos dahil kung tayo ay nagbubulalas ng galit sa Diyos, tayo ay nagiging matapat sa ating sarili. Alam na ito ng Diyos, kaya mas mabuti kung tayo ay maging totoo sa Kaniya.

3. Ikumpirma. Pagkatapos kong maglabas, ang mahalagang katanungan na tinatanong ko sa aking sarili sa bawat pagkakataon na ako ay galit sa Diyos ay, Nagtitiwala ba ako sa Diyos? Sa huli, hindi ito tungkol sa kung ano ang ginawa at hindi ginawa ng Diyos. Ito ay nag-uugat kung nagtitiwala ako sa Kaniya o hindi. Sinusubukan kong maging partikuar kung bakit ko pinagtitiwalaan ang Diyos katulad ng kung gaano ako kapartikular kung bakit ako galit sa Diyos.

Kinukumpirma ko sa pamamagitan ng panalangin. Ang aking pormula ay simple—kinikilala ko ang aking mga takot at mga pagmamalasakit at pagkatapos ay ginagamit ko ang mga katagang "ngunit nagtitiwala ako sa Iyo" upang patunayan ang aking espiritu. Ito ay likas na pagbabago mula sa lahat ng mga negatibong pagbubulalas, at nagpapaalala ng pag-asa. Ito ang uri ng panalangin na aking idinadalangin pagkatapos kong magbulalas:

Ama, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lakbaying ito, at ako ay natatakot, subalit nagtitiwala ako na Ikaw ay makakasama ko. Hindi ito ang daan na pipiliin ko para sa aking sarili, subalit nagtitiwala ako sa Iyong mga kaparaanan at mga kaisipan na mas mataas kaysa sa akin. Ako ay nakadarama ng panghihina at ng hindi pagiging sapat upang maging magulang ng bata na may kapansananan, subalit nagtitiwala ako sa Iyo na bibigyan Mo ako ng karunungan na kailangan ko kung kinakailangan ito. Alam ko na sinimulan Mo ang gawaing ito sa aking anak at nagtitiwala ako sa Iyo na tatapusin Mo rin ang gawaing ito sa kaniya.

Ang pagtatanong, pagbubulalas, at pagkukumpirma ng aking tiwala sa Diyos ay nakatulong na malagpasan ko ang galit sa Diyos pagkatapos na makuha ang unang pagusuri. Ito ay isang bagay na patuloy kong pagsasanayan dahil ito ay nagdadala ng labis na kapayapaan. "Subalit nagtitiwala ako sa Iyo, Diyos ko" ang aking mantra at pinipiling sandata sa bawat pagkakataon na lumilitaw ang galit. Inaalis nito ang aking mga mata sa mga pangyayari at itinutuon kay Jesus.

Tala: Isulat ang iyong sariling “Subalit nagtitiwala ako sa Iyo, Diyos ko” na panalangin.  

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

Ang Gabay sa Biblia na ito ay para sa mga magulang ng mga bata na may kapansanan, naiiba, o may pantanging pangangailangan ng anumang uri—nasaang bahagi ka man ng iyong lakbayin. Magbasa mula sa ibang mga magulang at tagapagtaguyod kung paano humarap sa lahat ng mga nararamdaman, paglutas ng mga pagsubok, at masiyahan sa tagumpay pagdating sa pagpapalaki ng bata na naiiba.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/